May 22, 2025
Pops Fernandez, Maricar Reyes grace Bag Lounge’s grand opening in Alabang
Latest Articles

Pops Fernandez, Maricar Reyes grace Bag Lounge’s grand opening in Alabang

May 8, 2018

Nagkagulo ang mga tao sa bagong Ayala Malls South Park mall sa Alabang, Muntinlupa City nang magkasunod na dumating ang Concert Queen na si Pops Fernandez at ang magandang Kapamilya actress na si Maricar Reyes-Poon sa grand opening ng Bag Lounge by LuxOnLinePh na pagmamayari ng mag asawang Melbert at Anna Magkawas na pawang young entrepreneurs.

Sina Pops at Maricar ang katuwang ni Anna sa pag-cut ng ribbon, habang nagsilbing host ng event ang aktres na si Dianne Medina kung saan isa rin sa celebrity guest ang kanyang fiance na Kapuso hunk actor at kapatid ni Rayver Cruz na si Rodjun.

received_10155775294173717

Present din ang beauty queen-turned-fashion blogger si Miss Philippines-World 2011 at Miss World 2011 1st runner-up Gwendoline Ruais na sobramg accommodating sa mga ibang mga bisita na gustong magpa-picture sa kanya, tulad nina Pops at Maricar na sobrang gracious at nagtagal pa sa event.

received_10155775296733717

Na-inspire ang misis ni Richard Poon at Concert Queen at concert producer sa humble beginnings ni Anna na nag umpisa muna bilang online seller ng mga authentic designer bags hanggang sa magkaroon na s’ya ng unang store na LuxOnlinePh sa Market Gift wing ng Market Market mall sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

received_10155775293908717

Naghandog naman ng dalawang awitin ang bagong lead vocalist ng bandang Alamid na si Carl McFly kung saan inawit n’ya ang signature song nila na Your Love.

Leave a comment