
PPP introduces “very now” entries
In-announce na nung Huwebes ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang unang tatlong pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3. At ang mga ito ay Cuddle Weather from Project 8 corner San Joaquin Projects, The Panti Sisters from Idea First Company, at ang LSS: (Last Song Syndrome) from Globe Studios.
Ang director ng Cuddle Weather ay si Rod Marmol. Wala pang napipili kung sino ang magsisiganap dito.
Sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables naman ang mga bida sa family comedy film na The Panti Sisters na mula sa direksyon ni Perci Intalan.
Ang real-life sweethearts naman na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ang mga bida sa LSS na ang director ay si Jade Castro.
Ang head ng Selection Committee ng Pista ng Pelikulang Pilipino 3 ay ang CEO at Chairperson ng FDCP na si Mary Liza Dino. At ang isa sa mga miyembro ay si Direktor Joey Javier Reyes, na tinanong siya kung bakit sa tatlong napili nilang pelikula ay walang tagalog na title, to think na ang film festival ay tinawag na Pista ng Pelikulang Pilipino
“Ang tawag diyan, globalization,” natatawang sagot ni Direk Joey.
Dagdag niya, “Kahit po ang titulo ay sa wikang Ingles, ang puso naman ay Pinoy na Pinoy. Naniguro po kami na pagkabasa namin ng script, Pinoy na Pinoy po ang nilalamang mga tema at kaisipan ng mga materyal na ito.”