
Pregnant Marian Rivera shows off her figure in a photo shoot
by PSR News Bureau
Dahil sadyang ipinagmamalaki ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera ang kanyang pagiging isang ina, hindi ito naging hadlang upang ipakita ni Marian ang hubog ng kanyang katawan sa kabila ng kanyang kabuntisan sa isang recent photo shoot nito. Bagamat nalalapit na ang kanyang ‘date with the stork,’ pumayag pa rin si Marian na magpakuha ng mga larawan kung saan makikitang malaki ang kanyang tiyan bilang walong buwang buntis sa magiging panganay nila ni Dingdong Dantes na papangalanan nilang Maria Letizia.
Marami ang humanga dahil kahit malaki ang tiyan ng aktres, pabuloso pa rin itong tingnan sa kanyang kabuntisan. Inaabangan na ng lahat ang magiging hitsura ng anak nila dahil maganda ang ina at guwapo naman ang ama nito. Siguradong marami rin ang nakaantabay para sa endorsements ni Maria Letizia, kung papayagan lang ito ng kanyang mga magulang. Sa mga larawan, tunay nga na blessed si Marian hindi lang sa good looks, kung hindi maging sa good genes na mayroon ito na siguradong mamamana ang kanyang magiging supling. Pinatunayan ni Marian that women can still be sexy despite the preggy bump.