May 22, 2025
PREMIERE NIGHT OF ‘THAT THING CALLED TADHANA’ MOVIE
Latest Articles Movies

PREMIERE NIGHT OF ‘THAT THING CALLED TADHANA’ MOVIE

Feb 5, 2015

Antazo PSR pic

by Mary Rose G. Antazo

the thing we called tadhana All out ang suporta ng Kapamilya stars sa premiere night ng pelikulang That Thing Called Tadhana ng Cinema One Originals and distributed by Star Cinema na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman, sa direksiyon ni Antoinette Jadaone. Tinaguriang ’ultimate hugot movie of 2015’ ito ngayon dahil sa mga linyang binitiwan ng mga bida at maraming magandang feedbacks dahil sa kakaibang atake ng pelikula.

“That Thing Called Tadhana” has received an A from the Cinema Evaluation Board (CEB).
Ilan sa mga naglalakihang artista na dumalo noong Feb. 3, 2015 sa SM Megamall Cinema 7 ay sina Vice Ganda, Bea Alonzo, Pokwang, Cherry Pie Picache, Kapatid stars, Jasmine Curtis-Smith & Meg Imperial, Kapuso Stars Marian Rivera and Dingdong Dantes, Maria Isabel Lopez with daughter Mara, Direk Joyce Bernal, Mark Bautista, Nicco Manalo, Sofia Andres, Banana Split Extra Scoop barkada na sina Ryan Bang, Pooh, Jaison Gainza at John Prats.

Full support din ang Star Magic talents na sina Ketchup Eusebio, Melai and Jason Francisco, Nikki Bagaporo, Igi Boy Flores, Eliza Pineda, Trina Legaspi, and Alexander Diaz.

Nakatutuwang makita na kahit magkakaiba ng networks ang mga artistang ito ay naroroon at nagbigay sila ng panahon para suportahan ang movie at ang kanilang kaibigang sina Angel at JM.

Matatandaang nanalo ng award si Angel sa movie na ito as Best Actress sa Cinema One Originals 2014 at maging sa 13th Gawad Tanglaw kung saan ay nag-tie sila ni Superstar Nora Aunor.

After ng premiere night ay nagkaroon ng dinner at cast party sa Uncle Cheffy resto at dito nagpahayag ng kasiyahan ang bida na si Angel, “Hindi ko alam kung pa’no ako magpapasalamat sa kanila Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanilang mabuti kung bakit nila tinutumbasan nang ganun ‘yun pabalik sa’kin. Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng mga kaibigan ko sa industriya na sumuporta, lalong-lalo na ‘yung mga tinitingila ko pagdating sa pag-arte… Nagpapasalamat ako na nandun sila sa gabing ito,”pahayag ng napakaganda at mahusay na aktres na si Angelica.

Sey naman ni JM, “Grateful kasi hindi rin namin in-expect na aabot sa ma-distribute siya ng Star Cinema. ‘Yung sa Cinema One pa lang siya, happy na ako no’n. Tapos dagdag pa sa akin na ipalabas siya nationwide”

Humanga raw ang binata sa pagiging magaling na artista ni Angelica.

“Sobrang gaan niya katrabaho kasi para lang siyang naglalaro pero at the same time naglalaro na parang papakita niya pa rin ‘yung pagka-professional niya,” pahayag pa ni JM.

The movie That Thing Called Tadhana focuses on two strangers, Mace (Angelica) and Anthony (JM de Guzman), who forge a unique bond after a chance encounter at the airport, learning a thing or two from each other about love and relationships as they embark on a spontaneous trip.

Direk Antoinette Jadaone, have done several movies like Beauty in a Bottle, Relax, It’s Just Pag-ibig, and English Only Please and she’s really slowly making a big name in the industry.

Congrats to the people behind the movie That Thing Called Tadhana from your www.psr.ph family!

[metaslider id=5237]

 

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply