Pretty TV Host is now separated with her non-showbiz husband because of her mother who meddle in their squabbles
By PSR News Bureau
Tunay na nakakaawa naman ang magandang aktres-TV host na ito. Noong teenager pa siya’y normal lang at kauna-unawa pa ang pakikielam ng kanyang nanay sa kanyang pakikipag-relasyon. Matatandaang pinigilan pa siyang makipagrelasyon noon sa isang guwapong aktor na nagmula sa angkan ng mga artista. ‘Patay na patay’ na sana ang mestisahing aktres-TV host noon sa kanyang masugid na manliligaw. Pero bilang masunuring anak ay hindi nagtagal ang kanilang patago at illegal na relasyon. Nagbunga naman ang sakripisyo ng mestisahing aktres-TV host. Pinalad siyang makilala sa ibang bansa nang siya ay maging host ng isang palabas doon.
Nang magka-edad ay lumagay na sa tahimik ang aktres. Pinili nitong magpakasal sa kanyang kababatang non-showbiz na kaparehas niya ng relihiyon sa pag-aakalang magiging maayos ang kanyang buhay. Tinalikuran na rin niya ang kinang ng showbiz noon para bigyan ng panahon ang kanyang pamilya. Ngunit nananatiling pakielamera ang kanyang ina na kung ituring siya’y parang isang bata pa rin. Noong una’y pinagtitiyagaan ito ng lalaking kanyang pinakasalan. Nangibang-bansa pa nga ang buong pamilya niya sa pag-aakalang titigilan na sila ng kanyang ina. Pero hindi na nga natagalan ng lalaki ang pakikisawsaw ng ina ng TV host sa kanilang buhay may asawa. Hanggang sa dumating na nga ang araw na nakipaghiwalay ito sa mestisahing aktres. Ngayon nga ay balik-showbiz na naman siya, nalulungkot man ito sa sinapit ng kanyang pangarap na pamilya’y wala na siyang magagawa dahil ang lalaki na ang umayaw sa kanilang sitwasyon.
Heto ang clue: Ang pangalan ng aktres-TV host na ito ay katunog ng matamis na uri ng tinapay na madalas ibili bilang pasalubong.