
Primera Aktresa Lovi Poe plays her boldest role in “The Escort”
First time makasama ng Primera Aktresa na si Lovi Poe sina Derek Ramsay at Christopher del Leon sa pelikulang “The Escort” ng Regal Entertainment.
Ayon kay Lovi, napakalaking karangalan sa kanya na makatrabaho ang dalawang magaling na aktor lalo na ang drama king na si Christopher de Leon.
“Nakasama ko na siya sa teleserye sa TV pero ibang level din kapag sa movie. Feeling ko, kumpleto na ako as an actress dahil natupad na iyong dream ko na maka-work siya sa movie. But, I still want more,” aniya.
Dagdag pa ni Lovi, marami siyang natutunan kay Christopher pagdating sa acting.
“He’s very subtle naman. He’s such a professional. We complement each other at iyong support na ibinibigay niya sa mga eksena namin. I like the fact that he gives me an assurance in every scene. He lets me how to attack my character. We just appreciate what we share in every scene,” paglalarawan niya.
Para kay Lovi, ito ang boldest movie na ginawa niya so far.
“I’ve done some in the past perong iyong tema pa lang at kuwento ng pelikula ay napaka-strong, lalo na iyong scenes namin ni Derek at iyong kay Sir Boyet kung saan he’s gonna me some options,” paliwanag niya.
Papel ni Yassi, isang birhen na inako ang responsibilidad sa pagtataguyod sa kanyang mga kapatid mula nang mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang ang ginagampanan ni Lovi sa “The Escort.”
Dala ng kagipitan, papasok siya sa escort service kung saan makikilala niya si Xyruz, isang dating male escort na magkakagusto sa kanya. Makakatagpo rin niya ang isang real estate mogul na si Gary (Christopher) na handang ibigay ang lahat ng kaginhawahan niya sa buhay.
Maraming maiinit na eksena ng romansahan sa kama, sa swimming pool at sa iba’t-iba pang lugar sina Lovi at Derek sa pelikula. Meron din siyang love scene kay Christopher.
Kuwento pa ni Lovi, thankful siya dahil inalalayan siya ni Derek sa kanilang mga love scenes sa nasabing pelikula. Hindi rin daw nag-take advantage ang hunk actor sa kanya.
“With Derek naman, I feel safe. Actually, there was this love scene na gagawin na na-shocked talaga ako. Hindi naman siya iyong pa-porno na pero it has a touch of kinkiness, pero siya itong sumalo sa akin. Ako kasi, if the movie asks for it, why not. Pero siya, prinotektahan talaga niya ako. Nag-usap kami ni Derek, sabi niya ‘Lovi, it’s you’. Siya na mismo ang nagsabi. Lalaki na ito. So inisip talaga niya ako, iyong concern niya sa akin and I appreciate iyong pagiging ma-respeto niya,” paglalahad niya.
Sa kanilang mga torrid scenes, hindi rin natatakot si Lovi na baka pagselosan siya ng non-showbiz girlfriend ni Derek.
“I know her. Kaibigan ko siya and I know that she understands na trabaho lamang itong ginagawa namin. Besides, I don’t think she’s that type of person na ganoon,” depensa niya.
Tungkol naman sa mga tao at mga artistang pumapasok sa escort service, ayaw magkomento ni Lovi tungkol dito.
Speaking of her love life, ayaw namang ikumpirma ng award-winning actress na sila na ng napapabalitang French boyfriend.
“I’m single and open to dating,” pagwawakas niya.
Ang “The Escort” ang kauna-unahang assignment ni Direk Enzo Williams (Bonifacio, Ang Unang Pangulo) sa Regal Films.
Kasama rin sa cast sina Jean Garcia( na sumabak din sa love scene kay Derek), Rommel Padilla, Dimples Romana, Jackie Lou Blanco at Albie Casino.
Ang “Escort” ang pinakaaabangang erotic drama event ng taon na mapapanood na sa Nobyembre 2 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.