May 22, 2025
Prince Stefan finally comes out
Featured Latest Articles

Prince Stefan finally comes out

Nov 17, 2016

Nang huli naming ma-interview noon sa premiere night ng pelikulang “I Love You. Thank You” ni Charliebebs Gohetia ay super deny pa siyang hindi totoo ang mga gay rumors na nagci-circulate sa kanya.

 

Ngayon, totally nag-out na si Prince Stefan na isa sa mga bida ng pelikulang “Working Beks” ni Chris Martinez para sa Viva Films.

 

Wala na rin kasing naniniwala talaga sa pagpapanggap ko . Lahat July, ayoko na talagang mag-showbiz. Gusto ko na lang mag-concentrate sa life ko.Wala nang naniniwala kahit noong may ka-love team pa ako sa TV5 ng Viva. Ayoko na. Gusto ko na lang mag-business o kaya’y mag–networking. Noon ngang nasa Hongkong kami ng boyfriend ko, nag-post kami na happy kami na nagde-date hanggang sa kumalat iyong balita, Bigla na lang sumabog. So wala na akong itatago. Happy naman ako ngayon dahil wala nang pretensions, wala nang pagpapanggap”, aniya.

 

Dagdag pa niya, ang kanyang current boyfriend ang first openly gay relationship niya.

 

Aminado naman si Prince na bago pa siya magladlad ay nagkaroon din siya ng attraction sa mga girls noon.

Nagkaroon naman ako ng girlfriend before. May mga niloko na akong mga babae pero ayoko na silang lokohin. Alam ko na ang gusto ko ngayon at mga kumare ko na sila ngayon”, pagtatapat niya.

 

Hindi rin ikinaila ni Prince na gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya.

 

Gusto ko ring magkaanak at mag-asawa pero ayoko nang manloko ng girlfriend . Ayoko nang umarte nang straight. Kung magkakaanak ako, gusto kong biological na ako iyong father”, aniya.

working-beks-poster

Inamin din ni Prince na bilang gay ay nakaranas din siya ng discrimination sa workplace

 

Hindi naman nawawala iyon pero ngayon kasi, naging trend na rin siya. Uso na rin at tanggap siya. Puwede kang maging bakla pero lalake kang manamit, lalake ka sa galaw at lalakeng magsalita. Ang importante, kahit gay ka, puwede ka pa ring maging productive at maging mabuting tao sa kapuwa mo”, paliwanag niya.

 

Happy din dahil overwhelming ang naging suporta sa kanya ng kanyang mga co-stars sa pelikulang “Working Beks”.

 

Masaya kami sa set. No dull moment, at magaling ang director naming si Chris Martinez’, aniya.

 

Challenging din ang role niya sa pelikula.

 

I play the role of Jet, isa siyang call center agent siya sa umaga at VJ sa gabi na nagho-hold ng mga parties. Madalas siya sa bar. Kung kani-kanino siya nakikipag-sex hanggang sa nakakuha siya ng sakit at doon nagsimula ang kanyang dilemma”, aniya.

 

Bilang sexually promiscuous gay, may mga daring scenes si Prince sa pelikula.

 

May eksena na nakipaglalapan ako tapos iyong isa dinilaan ko ang nipples pero kasama naman siya sa iskrip dahil promiscuous nga iyong role ko”.

 

Mula sa Viva Films,  tampok din sa “Working Beks” sina John “Sweet” Lapus, TJ Trinidad, Edgar Allan Guzman, Prince Stefan at Joey Paras.

 

Ito ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Nobyembre 23.

Leave a comment