May 26, 2025
A production staff was irked by Ai Ai Delas Alas’ script whims
Latest Articles

A production staff was irked by Ai Ai Delas Alas’ script whims

Mar 31, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

ai-ai 01 How true na imbudo raw ang production staff ng seryeng gagawin ni Ai Ai delas Alas sa GMA 7 na “Let The Love Begin” na gaganap siya rito bilang lover ni Ruru Madrid? Nung ibigay daw kasi kay Ai Ai ang kanyang paunang script ay pinapa-revise daw niya ito dahil may ilang mga eksena raw siya rito na hindi niya nagustuhan. Ito daw umano ang naging dahilan kung bakit naimbudo sa kanya ang production staff ng nasabing serye. Bakit daw kailangang ipa-revise ni Ai Ai ang script gayung ‘yun naman daw talaga ang itatakbo ng istorya nito?

Will Polo Ravales transfer to ABS-CBN?

polo ravalesBalita namin, plano raw ni Polo Ravales na lumipat sa ABS-CBN 2. Hindi na raw kasi siya masaya sa career niya sa GMA 7 kaya gusto niyang subukan na mag-trabaho sa ibang istasyon. Ayon pa kay Polo, sa Kapamilya network nga raw niya gustong lumipat.

Sa tingin namin, wala namang kalalagyan si Polo sa ABS-CBN Kumpleto na kasi roon ng mga leading men. Nandiyan na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Paulo Avelino, Jericho Rosales at Coco Martin. Hindi na nila kailangan pa ng isang Polo Ravales. Besides, pawang mahuhusay magsiganap ang mga aktors na nabanggit na hindi katulad ni Polo na hanggang ngayon kahit pa matagal na sa showbiz ay wala pa ring lalim umarte. So bakit pa siya kukunin ng ABS-CBN 2, di ba?
Huwag nang mag-ober-da bakod pa si Polo dahil kung sakaling tanggapin man siya ng ABS-CBN 2 at mabigyan ng serye rito ay baka hanggang ‘one of those’ lang siya, kumbaga, pansahog lang at hindi magiging leading man.

Leave a comment

Leave a Reply