
“I promise you will never walk alone.” – Heart on Chiz “Naniniwala ako na mahal mo ako tuwing sinasabi mong mahal mo ako.” – Chiz on Heart
Mrs. Chiz Escudero na si Heart Evangelista matapos siyang ikasal sa magiting na senador kahapon, February 15 na ginanap sa Balesin Island, Quezon Province.
Bukod sa mga kaanak ng dalawa, dinaluhan ang naturang kasal ng ilan sa pinakamalalaking pangalan sa showbusiness, business at politika.
Kabilang rito sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Carla Abellana, Jennylyn Mercado, Alessandra de Rossi, Kyla, Jonalyn Viray, Jaya, Jolina Magdangal, Sarah Christophers, Mel Tiangco, at Jackie Lou Blanco.
Naroon din sina Senator Grace Poe, Dr. Aivee Teo, Ramon Ang, Hans Sy, Lance Gokongwei, Fernando Zobel, Bobby Ongpin, Jerry Acuzar, Senior Vice President for GMA Entertainment Lilybeth G. Rasonable at Vic del Rosario.
Ika-4:30 ng hapon nang maglakad sa aisle ang groom kasama ang kanyang kambal na sina Maria Cecilia at Joaquin Cruz.
Suot ng senador ang isang puting suit ng gawa ng sikat na Pilipinong designer na si Paul Cabral.

Ilang sandali lamang, naglakad na rin ang bride sa aisle nang nag-iisa. Kagaya nga ng kanyang sinabi sa mga interviews niya, hindi dadalo sa kanyang kasal ang kanyang magulang.
Suot ni Heart ang gown na gawa ni Ezra Santos at inspired sa wedding gown ni Princess Grace Kelly of Monaco.

Nagsimula ang seremonya bago sumapit ang ika-5 ng hapon. Pinangunahan ito ni Bishop Arturo Bastes ng Sorsogon, habang si Fr. Gerry Orbos naman ang nagbigay ng homily.
Naging madamdamin naman ang exchanging of vows ng dalawa. Ayon kay Heart, “I promise you will never walk alone.” Agad naman itong pabirong sinagot ng groom, “Naniniwala ako na mahal mo ako tuwing sinasabi mong mahal mo ako.”
Naiyak si Heart nang magpasalamat siya kay Sen. Chiz sa pagmamahal at sa lahat ng sakripisyong ginawa niya upang makarating sila sa puntong ito.
“Thank you for loving me and fighting for me,” ani Heart.
Ayon naman sa senador, “Thank you for giving me the chance to love again.”
Matapos ang kanilang kasal, agad itong sinundan ng wedding reception sa Toscana Garden na naroon din sa naturang isla.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente