
PSR GUESS: Male celeb goes to work without taking shower
Naloka kami sa kuwento tungkol sa isang male celebrity na matangkad, matipuno, moreno, at talagang lalaking laki naman ang tingin at amoy namin sa kanya ever since na nagsimula s’ya, mula sa TV commercial hanggang mapasok s’ya sa mundo ng showbiz, kahit na minsan na rin itong na-tsismis na may bahid ng kabaklaan!
Pero hindi kami natinag sa chikang kadugo namin s’ya, kaya tuloy pa rin ang pantasya namin sa kanya, hahaha!
Crush namin talaga ‘tong male personality na ‘to simula’t-sapul na inabangan din ng maraming beki, maging ng mga kababaihan kung may pabukol festival ito nang minsang magsuot ito ng briefang sa isang public show na talaga namang dinagsa.
Ngayon, ang tunay raw na chika ng mga mimosa (tsismosa) galing sa isang reliable source (na kahit sobrang gasgas na, hahaha!) ay shomadey o tamad daw itong mag-g o maligo araw-araw kesehodang kailangan pumunta ng male subject natin sa kanyang trabaho!
May I naspu na lang daw ang pasensyosa at magandang jowawis nito na dating starlet (pero may ibang main job na ngayon) ng basang bimpo sa buong katawan n’ya imbes na mag-shower. Pero pagdating daw sa bonahan o sex ay hindi ito tinatamad! Basta, naging kontrobersyal din si Koya! Kung paano at bakit, wit na lang! Bwahaha!
******************
Nagbabalik music scene ang second cousin ni Pops Fernandez na rakista na si Hec.
Mag-pinsan si Pipay at Hec sa side ng namayang ama ng Concert Queen na dating aktor na si Eddie Fernandez.
Tumulak ng Amerika si Hec noong 2005 nang mamatay ang kanyang ina at nagbalik-Pilipinas lang last year upang i-promote ang re-issue ng kanyang Dr. Lab album, produced by Gooding and distributed by Blck Mrkt Records.
Bet ni Hec na mag-compose ng kanta para kina Pops at Yeng Constantino.