
PSR Picks: Top 2019 Pinoy films
Naging mabunga ang taong 2019 para sa local entertainment industry lalo na sa larangan ng paggawa ng pelikula.
Tulad ng dati, namayagpag ang mga indie films hindi lang sa mga local award-giving bodies kundi pati sa mga prestihiyosong international film festivals sa ibang bansa.
Namayagpag ang Pinoy master filmmakers tulad nina Brillante Mendoza at Lav Diaz sa mga A-list film fests.
Nagwagi ng special jury prize ang kanyang pelikulang Mindanao sa Cairo International Filmfest. Nasungkit din ni Judy Ann Santos ang kanyang kauna-unahang international best actress award sa naturang obra ni Mendoza.
Wagi ng special jury prize ang kanyang pelikulang iprinudyus na Verdict ni Raymund Gutierrez na naging opisyal na kalahok ng bansa sa 92nd Academy Awards sa kategoryang best international feature.
Pinag-usapan din ang pelikulang “Ang Hupa” ni Lav Diaz nang magbalik siya sa Directors’ Fortnight ng Cannes Filmfest noong nakaraang taon.
Anu’t ano pa man, patuloy ang paghahari ng indie films pagdating sa awards bagamat meron ding mainstream o mga pelikulang iprinudyus ng major film outfits na bukod sa humataw sa takilya ay pinuri ng mga kritiko.
Patuloy ding nagkaroon ng tatak ang mga pelikulang iprinudyus at itinampok sa local film festivals tulad ng Cinemalaya, QCinema, Cinema One Originals, Sinag Maynila at Cine Filipino.
Heto ang listahan ng 10 best films of 2019. (Ang mga pelikulang kasama sa listahang ito ay nakalista hindi ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod o in random order. Hindi rin kasama rito ang mga pelikulang kasali sa 2019 Metro Manila Film Festival).
“Hello, Love, Goodbye”
Ang pelikulang ito nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang may hawak ng record na highest grossing Pinoy film of all time.
Napatunayan din ang solid chemistry ng Kathden at marami ang na-in love at naka-relate sa kuwento nina Ethan at Joy. Katunayan, marami rin ang nag-aabang sa magiging sequel nito lalo pa’t hindi pa tapos ang kuwento ng pag-iibigan ng mga iconic characters na nilikha ni Cathy Garcia Molina.
“Alone/Together”
Dito nakitaan ng maturity sa acting sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ito ang nagbadya na tapos na sa mga teeny-booper o pa-cute roles ang showbiz couple.
Nakita rin ang transformation ni Liza dahil first time niyang pumayag na makipag-kissing scene sa kanyang boyfriend na si Enrique onscreen.
Bagamat hindi tipikal na happy ending ang naging resolusyon ng pelikula, maraming millennials ang naka-relate sa kuwento ng obrang ito ni Antoinette Jadaone, patunay lang na kung may magandang kuwento, papasukin siya sa takilya at tatangkilikin ng mga manonood. Iprinudyus ito ng Black Sheep na sister company ng Star Cinema.
“John Denver Trending”
Sa Cinemalaya movie na ito, epektibong naipakita ang masamang epekto ng social media.
Ang baguhang actor na si Jansen Magpusao ay napansin agad ng mga kritiko sa kanyang sensitibong pagganap bilang isang estudyanteng naging biktima ng cyberbullying.
Sa obrang ito ni Arden Rod Condes, nanalo siya bilang best actor sa nakaraang Cinemalaya noong Agosto.
“Oda sa Wala”
Pinatunayan ng Pokwang na kaya niyang maging magaling na dramatic actress kahit nalinya siya bilang komedyana. First time ring ginamit ni Pokwang ang kanyang totoong pangalan na Marietta Subong sa pelikulang ito ni Dwein Baltazar.
“Edward”
Gumawa ng ingay sa kanyang pagbabalik ang Star Magic artist na si Louise Abuel dahil buong husay niyang nagampanan ang papel ng isang nagbibinatang madaling natuto sa buhay nang balikatin niya ang responsibilidad na arugain ang kanyang tatay sa loob ng isang public hospital.
Hindi tayo binigo ni Thop Nazareno na pinabilib din tayo sa Cinemalaya movie na “Kiko Boksingero”.
First time ring manalo ng award bilang best supporting actress dito si Ella Cruz sa nakaraang Cinemalaya.
“Pailalim”
Hindi kataka-takang nanalo ito ng special mention award sa San Sebastian International Film Festival noong 2017. Makatotohanang nailahad ni Direk Daniel Palacio ang kalagayan ng mga taong naninirahan sa mga sementeryo at ang kanilang pakikipagbaka sa karalitaan. Tampok dito sina Joem Bascon at Mara Lopez.
“Elise”
Ang obrang ito ni Joel Ferrer ay isang hindi malilimutang ‘coming of age’ film tungkol sa dating childhood sweethearts na muling pinagtagpo. Hindi perpekto ang kanilang mga karakter pero naroon ang pinakang panghalina ng pelikula. Rebelasyon dito sina Janine Gutierrez at Enchong Dee.
“Lola Igna”
Ito ang unang pagbibida sa pelikula ng character actress na si Angie Ferro. Deserving ang kanyang pagkapanalo bilang best actress sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Tungkol ito sa pinakamatandang lola sa isang baryo na naghihintay ng kanyang dapithapon na nagkaroon ng bagong layon sa buhay sa tulong ng kanyang millennial na apo.
“Sila Sila”
Dina-dissect sa pelikulang ito ni Giancarlo Abraham ang dynamics ng gay relationship. Ito rin ang unang subok ng theater actor na si Topher Fabregas sa pelikula.
Kapuwa sila nag-shine ng kanyang co-actor na si Gio Gahol
Deserving ding manalo ni Fabregas bilang best supporting actor sa CinemaOne Originals para sa pelikulang ito.
“Metamorphosis”
Ito ang unang adult role ng dating child actor na si Gold Azeron. Mahusay niyang naitawid ang pagganap sa role ni Adam, isang lalakeng ipinanganak na may dalawang ari.
Deserving ang kanyang pagkapanalo bilang best actor sa 2019 Cinemaone Originals para sa obrang ito ni J. E. Tiglao.
Kasama naman sa runners up ang “Verdict,” Fuccbois,” Jino to Mari,” “Ulan,” “Akin ang Korona,” “Utopia,” “Between Maybes,” “The Panti Sisters,” “LSS,” “I’m Ellenya L,” “Mina Anud,” Ang Hupa,” “Quezon’s Game” at “Isa Pa With Feelings.”