
PTV formally appoints Kat de Castro as GM and COO
Deserving si Kat de Castro, anak ni ABS-CBN anchor Noli de Castro, sa kanyang katungkulan bilang General Manager at Chief Operating Officer ng government TV station na PTV (People’s Television).
Pormal s’yang iniluklok sa puwesto noong July 6, kasabay din sa paghirang sa beteranang broadcaster mula sa Mindanao na si Maria Fe Alino bilang Chairman naman ng istasyon.
Kung dati’y nakilala ang PTV bilang tahanan ng pawang government propaganda, balak daw ng bagong pamunuan ng istasyon na baguhin ang ganitong imahe at gawing isang tunay na news, information at public service channel ang PTV.
Kung ang bagong GM ang tatanungin, ambisyon daw niyang maging kahalintulad ng PTV ang British Broadcasting Corporation (BBC).
Paano nga kaya isasakatuparan ni GM Kat ang ganitong layunin, sa natitirang dalawang taon pa ng administrasyong Duterte?
May mga pamilyar kayang mukhang mapapanood sa PTV mula sa dating mother studio ng Trip na Trip Host? Abangan.
Samantala, ikinatuwa naman daw ni Communications Undersecretary for Broadcast na si Rocky Ignacio ang pagkakapili kina de Castro at Alinio sa pinaka-matataas na pwesto sa istasyon.
Anya, malaki ang maitutulong ng mga professional broadcasters na namamahala ngayon sa lalo pang pagpapa-unlad ng PTV.
Kaabang-abang ang mga susunod pang pagbabago sa PTV. Para sa updates, bisitahin ang kanilang social media accounts.