June 5, 2025
Quezon City councilor Roderick Paulate dismissed from office
Home Page Slider Latest Articles

Quezon City councilor Roderick Paulate dismissed from office

Jan 22, 2016

by PSR News Bureau

roderick 1Natanggal sa puwesto kamakailan lang ang Quezon City councilor at aktor na si Roderick Paulate matapos mahatulan ito ng guilty sa pamemeke ng ilang dokumento, seryosong pagsisinungaling, conduct prejudicial na mayroong ibang interes sa serbisyo at grave misconduct ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Maging ang civil service eligibility nito at napawalang-bisa rin kasama na ang retirement benefits at tinanggal rin.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Ombudsman, sinasabing si Paulate at ang kasama nitong si Francisco Calalay ay tumanggap umano ng mga 60 na “ghost contractual na empleyado” na umookupa ng iba’t-ibang posisyon gaya ng field inspectors, district coordinators at office aides. Nakatanggap rin sila ng mga suweldong nagkakahalaga mula sa P5,000 hanggang P10,000. Ayon pa sa naturang imbestigasyon, wala umanong birth certificates at NBI clearances na isinumite ang mga nasabing “empleyado” kung hindi endorsement letter lang ang mayroon sila. Ang mga pirma rin nila ay hindi umano ‘consistent’ at halatang pabago-bago,

roderick 4Napagalaman ng Ombudsman na sina Paulate at Calalay ay nagkaroon ng “job order personnel” na umano’y pawang kunwaring mga tao lamang.

Ayon sa reports, si Calalay ay mayroong 29 na ghost employees mula Enero hanggang Nobyembre 2010, habang si Paulate naman ay nakatanggap ng P2,500 hanggang P5,000 na buwanang pasahod sa bawat “ghost employee” niya.

Ipinakita sa isinagawamg imbestigasyon ng Ombudsman na hindi tunay na personalidad ito ng tao at ang lahat ay isa lang nag-iimbento. Ipinakita ng Ombudsman na wala itong kahit anong records sa National Statistics Office.

Bukas ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa panig ni Paulate kung naisin niyang marinig ang kanyang saloobin ukol sa isyu.

Leave a comment

Leave a Reply