May 22, 2025
Rabiya Mateo gets her lucky earrings from Pia Wurtzbach
Latest Articles

Rabiya Mateo gets her lucky earrings from Pia Wurtzbach

May 10, 2021

Hindi lamang si Ramon “Bong” Revilla Jr. ang may agimat sa Agimat ng Agila na umeere ngayon sa GMA; ang kandidata natin sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo ay may agimat din na dala-dala pa niya sa Florida sa Amerika na gagamitin niya bilang pampasuwerte sa paglaban niya bilang kinatawan ng Pilipinas (isa sa pitumpu’t apat na kandidata) sa 69th Miss Universe beauty pageant sa May 16 (sa Amerika) at May 17 (dito sa Pilipinas) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA.

Ang agimat ni Rabiya? Isang pares ng hikaw na hiniram niya mula kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach!

Ayon sa kuwento ni Rabiya sa Zoom mediacon ng Miss Universe Philippines organization (nina Jonas Gaffud at Shamcey Supsup-Lee, among others) para sa kanya nitong May 5, naglakas-loob siya na hiraman si Pia ng kahit na anong item na maaari niyang gamitin bilang lucky charm.

May manghuhula raw kasi na sinabihan si Rabiya na magdadala sa kanya ng suwerte ang anumang item na pag-aari ng isang dating Miss Universe.

“This is a funny story po, kasi parang may hula na sabi, ‘If you really want to win, dapat manghingi ka ng gamit from a former Miss Universe.’

“Like kay Miss Pia, kay Catriona [Gray], Gloria [Diaz], or Margie [Moran]. “Ako talaga hindi na nahiya. Nag-message ako kay Pia, kay Miss Pia.

“Sabi ko, ‘Miss Pia, baka may something ka naman na maipapahiram sa akin.’

“I mean, there’s nothing wrong about it, you know. I just want to make sure to grab that chance. At least wala kang pinalagpas na pagkakataon.

“And Miss Pia is so… she’s so kind. Pinahiram niya sa akin yung earrings na ginamit niya during Miss Universe. So parang iyon yung agimat na dala-dala ko ngayon.”

Bukod sa hikaw, may words of wisdom din si Pia para kay Rabiya, isa na rito ay ang pag-iwas sa mga negatibong bagay sa social media.

“She told me not to open my social media anymore. 

“Just post something and then close it right away. Because you don’t want to disturb your inner peace.

“It’s very important. The competition, it’s a mental game and if you really want to win, you really need to protect that peace,” pahayag pa ni Rabiya.

Mapapanood ng live ang Miss Universe beauty pageant sa A2Z Channel 11 (ng ABS-CBN) 8:00-11:00 am; may replay sa araw ding iyon, 10:30 pm sa A2Z. 

Mapapanood din ang replays ng Miss Universe sa cable via Kapamilya Channel at online via iWantTFC sa Mayo 23, Linggo, 9:45 pm. 

May replays din ang Miss Universe sa Metro Channel sa Mayo 24 (12:00 nn at 10:00 pm), Mayo 26 (5:00 p.m.), at Mayo 29 (8:30 am).

Leave a comment