May 28, 2025
Rafael Rosel admits he’s not yet ready to settle down
Latest Articles

Rafael Rosel admits he’s not yet ready to settle down

May 5, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

Rafael_Rosell_at_the_Star_Magic_Concert_Tour_in_Ontario,_June_2009Isang linggo na lang at matatapos na ang primetime series ng GMA 7 na ‘Second Chances’. Isa sa pangunahing artista dito si Rafael Rosel at ayon sa actor nang makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ay plano raw nito na sandaling magpahinga bago muling tumanggap ng anumang proyekto.

“Maghahanap ako ng magandang surfing spot at balak kong i-off ang cellphone ko kahit isang linggo lang,” sabi ni Rafael sa binabalak niyang unang gawin. “And then kumain ng mga organic na gulay at prutas, yung hindi ginamitan ng fertilizer na masama sa katawan,” sabay ngiti ni Rafael.

Ayon sa actor, paborito daw niya talaga ang sport na surfing. Kahit daw anong busy niya sa trabaho dati ay hinahanapan niya ng paraan na maisingit pa rin ito. “Pero ‘yung talagang mahabang panahon na surf lang nang surf, matagal-tagal ding hindi ko nagawa. ‘Yung last siguro was one year ago na.”

May pinaplano na ba ang GMA na kasunod na soap na gagawin niya?

“Mayroong plano pero pinag-iisipan ko pa kasi gusto kong magpahinga muna nang konti. May mga offer naman lagi, dahil alam mo naman ang GMA, ang bait nila sobra.”

Wala nga raw siyang panahon para magkaroon ng love life. On and off daw kasi yung naging relasyon nila dati niyang naging kasintahan.

“Nasa stage kasi kami noon na we’re still trying to figure out kung anong gusto namin. Mahirap makipag-collaborate sa ibang tao kung hindi mo alam kung anong path ang gusto mong tahakin sa buhay. Since non-showbiz siya, medyo mahirap para sa kanya na intindihin yung side ko. Pero ever since naman, mas gusto ko yung non-showbiz kasi mas tahimik, mas may privacy.”

Sa dami ng mga magagandang aktres na nakakatrabaho niya, talagang hindi ba siya nagkakainteres na manligaw sa kapwa niya artista?

“Ang gaganda nga nilang lahat. Pero hindi naman porke maganda, ibig sabihin puwede mo nang gawing girlfriend. Mahirap ma-involve sa kapwa ko artista kasi madaming maaapektuhan sa relationship.”

Nangyari na ba sa kanya dati na nagkaroon siya ng karelasyong artista tapos hindi nga maganda ang nangyari?

“May nangyari na parang papunta n asana doon tapos naging maingay na agad. Kaya sabi ko, ayoko nang magkaroon ng karelasyon from showbiz. Hindi ko na lang sasabihin kung sino. Kasi past is past,” tawa ulit ni Rafael.

He’s 32 years old now. Matagal pa ba bago niya maisip na mag-settle down?

“Madali naman makapag-settledown basta handa na yung tao. Aminado naman ako na para sa akin, hindi pa ako ready. Ayokong pumasok sa isang bagay na hindi ko pa kayang panindigan at gampanan. Hindi naman biro ang pag-aasawa eh.”

Isa si Rafael sa mga aktor na bukod sa guwapo ay may magandang built ng pangangatawan. Paano ba niya ito nami-maintain?

“Hindi ako kumakain ng hayop o mga produktong galing sa hayop o kung anumang dairy na galing sa hayop gaya ng milk, egg, and cheese. Puro vegetables lang ako at saka rice.”

Half a year na raw na ini-implement niya sa kanyang sarili ang ganitong uri ng diet. Bakit inayawan niya ang pagkain ng anumang nagmula sa hayop?

“Siguro dahil sa kaka-meditate ko. Nag-research kasi ako tungkol dito at nanood ng mga documentaries.”

Leave a comment

Leave a Reply