
Rafael Rosell tells what it was like leaving ABS-CBN, doesn’t read harsh comments
Balik Kapamilya ang magaling at award-winning actor (2007 Gawad Urian for best supporting actor for Rome and Juliet) na si Rafael Rosell sa suspense drama/fantasy series na Parasite Island na produksyon ng Dreamscape Entertainment.
Bago pa man nag-ober da bakod sa ibang networks (TV 5 at GMA-7), nagsimula si Rafael sa ABS-CBN na naging tahanan niya for 12 years.
Nakilala siya sa Tabing Ilog at nakagawa ng mga top-rating teleseryes tulad ng Kay Tagal Kang Hinintay, Marina, Rounin, Prinsesa ng Banyera, I Love Betty La Fea, Precious Heart Romances series at marami pang iba.
Huli niyang TV series bago siya lumipat ng ibang network ang “Dahil sa Pag-ibig” noong 2012.
Sa kanyang pagbabalik sa kanyang home network after seven years, marami raw siyang natutunan dahil lumawak ang kanyang perspektibo sa pakikipagtrabaho sa iba’t ibang networks.
“Lumipat ako sa kabila to explore, iyon ang reason ko talaga. To experience showbiz bago ako tumanda kasi I’ve been working with best channel for the longest time. Sabi ko, it’s time to look at showbiz at a different perspective. 6 years din ako sa GMA. I think, I fulfilled what I wanted to explore,” aniya.
“It’s like coming back home. Nakita ko iyong outside perspective na maging member ako ng best networks in the country and I have to say that I feel fulfilled na na-experience ko iyon. Nakapagtrabaho ako sa mga indie films, I worked with the big networks and film companies. Na-experience ko lahat and I’m ready to be just creative and work,” dugtong niya.
Dahil marami nang artistang inaalagaan ang network at marami na ang naganap mula nang pansamantalang nagpaalam siya sa ABS-CBN ng ilang taon, ayaw naman niyang isiping magpadaig sa anumang pressure.
“Pressure, yes. Pero hindi dahil hindi ko naman kailangang may i-prove, kundi dahil sa pressure sa responsibilidad, kasi mabibigat iyong mga roles na ibinigay sa akin. There’s a pressure there na maganap ko nang maayos ang gusto nila at magawa ko ang trabaho ko bilang artista, pero to prove myself, it’s always there naman to try to improve,” paliwanag niya.
Hindi rin siya bothered kung makuwestiyon ang kanyang loyalty sa kanyang move na balikan ang ABS-CBN pagkatapos talikuran niya ito.
“It’s as simple as I wanted to come back home and now that I’m home, I miss this channel a lot especially how things are done here,” saad niya.
“When it comes to loyalty, I mean, I appreciate that people stay loyal to the channels. I think the whole network war, nadadamay ang mga artista riyan. There’s an opportunity for all of us na minsan hindi namin ma-grab because of the network wars. When it comes to bashing and the negative comments from the people, hindi ko siya binabasa, eh. Parang ano lang siya, it’s just like I’m going out of my comfort zone and I love that dahil alam ko na may darating na challenge. I believe kasi that life begins at the end of the comfort zone,” dugtong niya.
Blessing in disguise rin daw na nabuksan ang mga mata niya sa maraming bagay sa kanyang pag-eexplore.
“I saw the difference. Iyong different work ethics. I mean, iba ang goal ng iba’t ibang kumpanya, but I will not go into details about that. There’s a big difference on work ethics, the environment, iyong treatment sa paggawa ng shows to promotion. It’s just like black and gray and white and gray,” sey niya.
“So far, ang dami kong natutunan dahil lumawak talaga ang perspective ko sa pakikipagtrabaho sa iba’t ibang tao,” dugtong niya.
Excited naman si Rafael sa bago niyang teleseryeng “Parasite Island” kung saan balik siya sa pagbibida.
“Hindi lang siya tungkol sa linta na parasite kundi tungkol sa symbolism ng pagka-parasite ng tao sa totoong buhay pagdating sa pamilya at sa mga problema sa buhay,” paglalarawan niya.
Malaking hamon din daw sa kanya ang kanyang role sa nasabing teleserye.
“I play the role of Jesse Salvacion, isa siyang masunuring anak. Noong bata pa siya, namatay ang tatay niya tapos bini-blame niya iyong babaeng linta, pero ayaw makinig sa kanya ang pamilya niya. The whole time, growing up, feeling middle child syndrome siya na hindi masyadong nabibigyan ng love at ng pansin ng kanyang family. Very complex na character na lasenggero dahil may complication sa relationships. Something na hindi ko pa napo-portray,” pagtatapos niya.
Ang “Parasite Island” ay isang mahiwagang kuwento na kapupulutan ng aral ng mga manonood at mapapanood tuwing Linggo ng gabi sa ganap na alasa 7 ng gabi sa ABS-CBN.
Umiinog ang kuwento nito sa isang pamilya na sinira ng kasakiman, pag-iimbot at kasinungalingan na muling sinubok ang kakayanang muling magmahal sa pananalanta ng mga linta.
Tampok din sa drama fantaseryeng ito sina Ria Atayde, Desiree del Valle, Liza Lorena, Michael Flores, Bernard Palanca, Zeppi Borromeo, Fino Herrera, Charlie Dizon, Kaori Oinuma, Paulo Angeles, Ian Galliguez at Bianca Manalo.
Ito ay mula sa direksyon nina Avel Sunpongco at Richard Arellano.