
Rain or Shine ties series with Beermen 1-1
by Justin P
Nagwagi ang koponan ng Rain or Shine Elasto Painters laban sa koponan ng San Miguel Beer Men kagabi, Enero 7 sa final scores na 105-97
“It was almost the same story all over again, fortunately for us, this one had a different ending,” bulalas ni Yeng Guiao, head coach ng Rain or Shine Elasto
Painters.
Tinambakan ng Rain or Shine ang Beermen sa Araneta Colisem, sa umpisa ng laro, 31-15, ngunit ito ay hindi na nahabol ng kabilang koponan hanggang sa matapos ang nasabing laro.
“Had we been down 0-2, this series would have been over,” paliwanag ni Guiao. “You can’t come back against a team like San Miguel from 0-2. This win also gives us confidence that we can lead San Miguel by more than 20 in two games and that we have a chance in this series.”
Si Jeff Chan ang highest scorer ng Rain or Shine, nakakuha siya ng 16-points matapos ang malas na laro niya noong game 1, 109-105, na kung saan hindi siya naka score.
Ang rookie ng Rain or Shine na si Don Trollano ay nakakuha ng 16, kabilang doon ang dalawang score niya noong 4th quarter na naging malaking tulong upang masigurado ang kanilang pagkapanalo.
Nakakuha ng 38-points at 17-rebounds si June Mar Fajardo sa laban ngunit naka miss siya ng limang free throws na kung saan makakatulong sana ito sa kanila sa 4th quarter.
“June Mar is almost unstoppable, but we need to keep him working, make life difficult for him,” dagdag ni Guiao. “Our hope is that if we reach seven games, baka lantang gulay na din siya (Fajardo) nun.”
The scores:
RAIN OR SHINE 105 — Chan 16, Trollano 13, Quinahan 12, Lee 11, Almazan 10, Norwood 10, Ahanmisi 9, Cruz 8, Belga 7, Ponferada 6, Tiu 3.
SAN MIGUEL BEER 97 — Fajardo 38, Cabagnot 24, Lassiter 13, Santos 10, Tubid 7, Lutz 3, Espinas 2, Arana 0, De Ocampo 0, Heruela 0, Reyes 0, Ross 0, Omolon 0.
Quarters: 31-15, 49-34, 79-65, 105-97