May 28, 2025
Raymond Bagatsing’s game: Ngayon lang ako nakapag-portray ng isang political figure
Latest Articles

Raymond Bagatsing’s game: Ngayon lang ako nakapag-portray ng isang political figure

May 20, 2019

Malaking hamon sa magaling at award-winning actor na si Raymond Bagatsing ang gumanap sa papel ng President Manuel L. Quezon.

Tulad ng ibang aktor, metikuloso si Raymond at talagang pinaghahandaan ang anumang roles na iatang sa kanya.

Nagawa na niya ito sa “Dahlin’ Nick” kung saan napansin ang kanyang acting.

Ngayon, muli na naman siyang magpapakitang-gilas sa “Quezon’s Game” na idinirehe ni Matthew Rosen.

Ang pelikula na tumatalakay  sa  kabayanihan ng tinaguriang Ama ang Wika ay tungkol sa  pagliligtas niya sa mga Hudyo sa pananahon ng pananakop ng mga Aleman noong 1938 na lingid sa kaalaman ng nakararami.

Sey ni Raymond, nakaganap na siya na siya noon ng iconic political figure sa katauhan ni Gat Andres Bonifacio.

“I did Bonifacio sa teatro pero ngayon lang ako nakapag-portray ng isang political figure at masasabi nating national hero sa big screen,” sey niya.

Paliwanag pa niya, siya  sana ang gaganap noon bilang Rizal sa “Ang Bayaning Third World” pero sa kung anong kadahilanan ay hindi ito natuloy.

Ayon pa kay Raymond, parehong interesting characters sina Bonifacio at Quezon.

“Very similar sila sa passion. Sa talino, similar din pero iba lang ang execution. What I know is.. si Bonifacio, aral siyang mag-isa. Ang dami niyang books na inaral mag-isa . Hindi siya nag-aral sa isang formal school. He’s self-taught. Si Quezon naman, he’s really schooled. As a lawyer, he’s very dignified . Iba iyong pananalita niya, more of a lawyer and dignified. Pero iisa lang ang kanilang passion, ang pagmamahal sa mga Pilipino, pagmamahal sa tao na talagang gagawin kung ano ang tama,” pahayag niya.

Bilang paghahanda sa kanyang role, kinarir din niya ang pagpapapayat para bumagay ang kanyang porma sa physical requirements ng role.

“Nagpapayat ako, nagpatanda. How do I do that? Bihira akong kumain. Puro kape all day para matuyot ang mukha ko para lumabas ang mga linya.Actually, humumpak nga ang mukha ko kasi kailangan kong…to look slim, kasi ganoon si Quezon,” kuwento niya.

Pati raw sa porma at paananamit ay naging mabusisisi rin siya sa detalye.

“Si Quezon kasi, he’s very passionate. Makikita iyan ng lahat sa pananalita niya, sa pag-ngiti niya. Napaka-stylish din niya kasi siya ang nagpapa-design ng sarili niyang damit. He’s very passionate, matalino at napakalaki ng puso,” ani Raymond.

Bukod kina Quezon at Bonifacio, gusto ring gumanap ni Raymond bilang Lapulapu kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Dagdag pa niya, sa panahon ngayon na nagkakawatak-watak ang mundo, importante na may isang bayaning nagbibigay ng inspirasyon tulad ni Quezon.

“In my personal opinion, ang mga Pilipino ay nangangailangan lagi ng taong tinitingala, sinusundan at ina-idolize . Importante iyong may leader tayo o tamang hero and I think  this movie will give  them the inspiration. The movie talks about the greatness and unconditional love ng isang lider na kahit niya kauri, pag may nangangailangan ng tulong, nakahanda siyang tumulong,” pagtatapos niya.

Ang “Quezon’s Game” ay nagwagi na ng  23 awards kasama na ang best director , best actor , best producer, best foreign film at best cinematography sa iba’t-ibang international film festivals tulad ng World Fest, IndieFest Film Awards, Accolade Global Film Competition, Maryland International Film Festival , Ramsgate International Film and TV Festival at Remi Awards mula noong Disyembre ng nakaraang taon.

Tampok din sa “Quezon’s Game” si Rachel Alejandro bilang Aurora, asawa ng yumaong pangulo ng Philippine Commonwealth.

Kasama rin sa cast sina Billy Ray Gallion, Kate Alejandrino, David Bianco, Jennifer Blair-Blanco,  Tony Ahn, James Paoleli  at marami pang iba.

Palabas na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Mayo 29, ito ay iprinudyus ni Lorena Hosen ng Kinetek Films at ng Star Cinema.

Leave a comment