
Rayver Cruz and Julia Barretto, exclusively dating?
Nagkakamabutihan na nga ba sina Rayver Cruz at Julia Barretto? Balita kasing exclusively dating sila, na madalas silang nakikitang magkasama. Katibayan na nga raw ang mga kumakalat ang litrato nila together sa ilang social media accounts at blog sites. Ano nga ba ang real score kina Rayver at Julia?
“Walang real score kasi napag-usapan nga namin ni Julia ‘yan, natatawa nga kami kasi super close ako sa family niya and after nung London Barrio Fiesta naging close ako sa kanya at sa mama niya tapos pagkabalik namin naging super close ako sa family niya,” sabi ni Rayver nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa presscon ng drama series na ‘Two Wives’, na isa siya sa casts nito.
Dagdag din ni Rayver na pinagtatawanan lang nila ni Julia ang mga balita tungkol sa diumano’y relasyon nila.
“Parang kailan lang may nag-tweet sa akin, dating daw. Yung picture na yun kinuhanan kami lang pero kasama ko buong family, alam mo yun, kaya nakakatuwa saka whether si Julia or ibang babae, kilala niyo naman ako, honest ako. Kapag niligawan ko yung isang tao or gusto ko sasabihin ko naman.”
Natanong din si Rayver na kung sakaling may pagkakataon ba ay liligawan niya si Julia?
“I find her very attractive at honestly sobrang ganda niya. Sinasabi ko naman yun sa kanya sa harapan niya.
“Sino ba namang tao ang hindi magkakagusto sa kanya or magkaka-crush pero kasi at this point in time ang dami niya pang pwedeng gawin, wala naman siyang time.
“Ewan ko kung gusto niyang mang-ano ng mga suitors niya, imposible naman na walang nanliligaw sa kanya pero sa ngayon I am happy na super close ako sa kanya, lagi kaming lumalabas kahit nina Dani yung kapatid niya na wala naman si Julia, talagang close ako sa family niya,” pagtatapos ni Rayver.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente