May 22, 2025
Rayver misses his fans; Kara joins Howie
Latest Articles

Rayver misses his fans; Kara joins Howie

Jul 29, 2021

Ang Kapuso actor at  ‘Nagbabagang Luha’ star na si Rayver Cruz ang makakasama ng mga Kapuso sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ngayong Biyernes (July 30), 8 a.m., sa “Kapuso Fans Day on TV” hatid ng GMA Regional TV.

Ang “Kapuso Fans Day on TV” ay napapanood sa morning shows na umeere sa local channels ng GMA Regional TV — ang “Mornings with GMA Regional TV” sa North Central Luzon, “GMA Regional TV Live!” sa Central and Eastern Visayas, “GMA Regional TV Early Edition” sa Western Visayas, at “At Home with GMA Regional TV” sa Mindanao.

Miss na ni Rayver ang makasama ang kanyang mga tagahanga. “Hayaan n’yo, soon makakapunta na ulit kami kung nasaan kayo. Sana ‘wag kayong magsawang sumuporta sa mga Kapuso shows,” mensahe ni Rayver sa kanyang fans.

Hindi naman dapat malungkot nang husto ang fans ni Rayver dahil bukod sa All-Out Sundays tuwing Linggo, mapapanood na rin siya tuwing hapon dahil ngayong Lunes (August 2) na ang pilot airing ng “Nagbabagang Luha” sa GMA Afternoon Prime kung saan makakasama ni Rayver sina Glaiza de Castro at Claire Castro. Malapit na ring magbalik ang The Clash Season 4 kung saan isa si Rayver sa kasama ni Julie Anne San Jose bilang Clash Masters.

Last Friday, ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang nagpasaya ng kanyang fans sa Luzon, Visayas, at Mindanao. 

*****

Kara David joins Howie Severino

Ang award-winning broadcast journalist na si Kara David ang guest ni Howie Severino ngayong Huwebes (July 29) sa The Howie Severino Podcast. Kapwa host ng long-running GMA Public Affairs program na I-Witness sina Kara at Howie at naging co-anchor noon sa newscast na News to Go.

Bukod sa pagbabalita at paggawa ng dokyu, pareho ring hilig nina Howie at Kara ang pagbibisekleta. Sa dami ng kanilang mga common interest at dahil na rin sa kanilang experience sa news at documentaries, tiyak na marami na naman tayong insights na makukuha sa new episode na ito ng The Howie Severino Podcast.

Katulad ni Howie, nasa online platform na rin si Kara. Patuloy na lumalaki ang subscribers sa kanyang YouTube Channel kung saan nagtuturo siya ng wikang Filipino at Journalism. Mapapanood din si Kara sa Pinas Sarap  tuwing Sabado ng tanghali, 12:30 p.m., sa GTV. Tuwing Sabado rin mapapanood ang I-Witness, pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA.

Makinig at i-follow na ang “The Howie Severino Podcast” sa Spotify at Apple podcast.  

Leave a comment