
How Regine Velasquez- Alcasid handle bashers?
Kahit matagal na sa showbiz si Regine Velasquez- Alcasid, aminado siya na naaapektuhan pa rin siya kapag bina-bash siya. At pinapatulan naman niya ang bashers niya lalo na kung idinadamay na ng mga ito ang mga mahal niya sa buhay.
“Sometimes I do, before. Especially pag kay Nate (anak nila ni Ogie Alcasid), kay Leila (anak ni Ogie sa una nitong asawa na si Michelle Van Eimereen),” sabi ni Regine sa presscon ng bagong serye ng GMA 7 na Mulawin Vs. Ravena.

Patuloy niya,” Kapag bata, pag anak mo, dun lang ako nagre-react. Pag sa sarili ko, e, di okay. E, di, ikaw na! Sasabihin nila na matanda na ako, e, totoo naman, matanda ako. Maa-affect pa ba ‘ko? Laos na ‘ko, pero andito pa rin ako. Pero pag tungkol sa akin, di masyado inaano yun, kasi I don’t care. Naa-affect ako when it’s family, when it’s my children, when it’s my husband. Ang feeling ko, you don’t know us for you to be saying things like that.”
Ang Mulawin Vs. Ravena ay mapapanood na simula sa Lunes, May 22, pagkatapos ng 24 Oras.
*********************************************************************
Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala naipapakilala ni Inah de Bellen ang boyfriend niyang si Jake Vargas sa daddy niyang si John Estrada. Katuwiran niya, wala pa siyang time dahil sobrang busy pa niya at ganun din ang daddy niya. May ginagawa kasi itong serye ngayon, na Kung Kailangan Mo Ako mula sa ABS-CBN 2.
*********************************************************************
Muling nag-prodyus ng concert ang aming kaibigang si Jeffrey Gonzales, ang This is My Now na gaganapin sa May 27, Saturday 9pm at The Music Hall, Metrowalk, Ortigas Pasig City.

Ang main performers ay sina Ruru Madrid at Nikko Natividad. Makakasasama nila si Konsehala Jarah Castaneda, Kate Lapuz, Pauline Cueto, Louie Lorenzo, Bigmouth Amper, Boobita Rose, Josh Yape, Rain Gibbz, ang mga baguhang mag-aawit na sina JJ Bungcasan at Tintin Necesito, Tom Marion Yabut, at marami pang iba.
Hatid ng JEFFREY G. ENTERTAINMENT PRODUCTIONS, BRAND ‘R US at OXYBRIGHT. Directed by Enrico “Jeffrey” Gonzales, Assistant Directors Mitsu Mitzu Nanri & Leklek Tumalad, Official Photographer BlackAnt Lensman Lee Santiago.
Please get your tickets now! For ticket inquiries, please call: 09568573532/ 09491950198.