May 24, 2025
Regine’s ‘Freedom’ top quickest selling concert tickets ever
Latest Articles

Regine’s ‘Freedom’ top quickest selling concert tickets ever

Jan 28, 2021

Excited na si Regine Velasquez na dalhin ang kanyang Pinoy fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa kakaibang date night na hatid ng “Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert,” kung saan inaasahan ang pag-awit ng Songbird ng bagong repertoire sa darating na Pebrero 14 (Linggo).

Mapapanood ang Valentine’s Day concert sa buong mundo sa pamamagitan ng ktx.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.

Ayon sa Kapamilya artist, magkakaroon daw ito ng full concert setup na may live band at backup singers at dancers. 

Binanggit din niya na may espesyal na bisita na siguradong sosorpresa sa mga manonood.

Mula sa ABS-CBN Events, IME, at PLDT ang “Freedom” concert na nasa ilalim ng stage direction ni Paolo Valenciano at musical direction ni Raul Mitra.

Sold out agad ang VIP tickets para sa concert 12 oras pa lamang simula nang ilabas ito, pero mabibili ang tickets para sa general admission sa halagang Php 1,200 (24.99 USD) sa ktx.ph at malapit na ring maging available sa iWantTFC.

Kasama sa perks ng mga may hawak ng VIP tickets ang backstage pass, meet-and-greet with Regine at iyon ngang special request portion.

Hindi pa raw ito nagawa ni Regine sa mga nakaraang concerts niya.

“Pag nagko-concert ako sa States usually meron talagang meet-and-greet and then nagbebenta ako ng CD para may pang-shopping ako , alam mo na, sayang din yun.

“Tapos meron kaming autograph-signing, pero dito sa Philippines, we hardly do that, as in, actually we never do that.

“So we wanted to give a premium naman, for the VIP ticket-holders and so we decided to do a meet and greet, puwede silang mag-picture hindi ko alam kung paano,” at tumawa si Regine. 

“And then of course the request portion.

“The reason nga for the request portion is kasi I wanted  for them to be happy, you know, after they watch the concert. Kung hindi pa sila masyadong satisfied after kong maglabas ng baga at balun-balunan, bopis, eh meron pang pa-request portion.”   

Pero dahil nga digital ang concert at hindi aktuwal na makikita ni Regine ang audience niya, paano niya masisiguro na engaged ang kanyang mga manonood habang nagpe-perform siya, kung pumapalakpak ba ang mga ito o tumitili at damang-dama ang mga kinakanta niya?

“Well, I just have to perform the usual one hundred, if ever nga, two hundred percent! Kasi hindi ko sila nakikita personally  so  mas mataas yung performance level normally.

“Nung umpisa hindi ko ma-imagine how I would perform  for the people at home, how do I do it but I guess parang… iisipin ko pa rin na  nasa stage ako talaga.

“Ibibigay mo pa rin ang two hundred percent of yourself. And yung pagdama ko ng mga awitin mas times one hundred din para kapag napanood nila sa kani-kanilang mga screeen, sa kanilang TV or mga devices, whatever, phone or computer, maramdaman pa rin nila yung kinakanta ko.”

Ipagdiwang ang Araw ng mga Puso kasama si Regine sa “Freedom” digital concert na mapapanood sa ktx.ph, TFC IPTV, at iWantTFC ngayong Pebrero 14 (Linggo), 8pm (Manila time). 

Leave a comment