May 22, 2025
Reginian (Fan of Regine Velasquez)
Fan Page

Reginian (Fan of Regine Velasquez)

May 2, 2014

[metaslider id=1693]
by Mildred Amistad Bacud

Sa halos sampung taon na rin namin bilang manunulat sa showbiz, kung ilang mga fans na rin ang aming nakasalamuha. Lahat ay may kani-kaniyang kuwento. Bukod sa mga tagahanga na nabibilang sa isang grupo, may tinatawag pa lang mga fans na collector. Sila ang mga avid fans na willing gumastos ng pera kahit medyo malaki masuportahan lamang ang kanilang idolo. Isa sa kanila na aming nakilala ay si Regh “JayAre,” Gonzales Alberto, ang masugid na tagahanga ng Asia’s Songbird Regine Velasquez. Kahit sa kaniyang first name ay dinagdag na niya ang palayaw na Regh. Maging sa itsura ay halos pareho na sila ni Regine.

Kuwento ni Regh, si Sharon Cuneta raw ang una niyang hinangaan pero walang pagkakataon para makilala niya ang Megastar hanggang sa mapanood niya ang pelikulang “ Kailangan Ko’y Ikaw,” na pinagbibidahan nina Robin Padilla at Regine.

“ Grade 6 pa lang po ako nun. That was year 2000 when I watched her movie “ Kailangan Ko’y Ikaw.” Simula no’n sinubaybayan ko na ang career niya.” Actually tinatawag kaming collector. Meaning wala talagang grupo pero marami kami at nagkikita kita kapag may event ang aming idol. Dun na rin nabuo ang friendship namin ng iba pang kolektor na tulad ko.”

Casette tape daw ang una niyang nabili na koleksyon mula sa idolo. Nung mga panahon na ‘yun dahil estudyante pa lang siya ay medyo hirap pa sa budget kaya tinitiis niyang huwag gastusin ang kaniyang baon.

Kung bakit si Regine ang napili niyang idolohin, sabi niya, “Dahil napakabait niyang tao at very down-to-earth. Binibigyan niya kami ng importansya at panahon. Hindi kami nagkamaling siya yung idolohin. Kahit marami ng bagong singers, mananatili yung loyalty naming sa kaniya.”

Hanggang saan nga ba ang suporta niya kay Regine na balita naming ay gumagastos daw sila ng malaki para sa kanilang idolo?

“ Yup lahat ng gastos po concerts,cds,movies,magazine. Ang collector halos lahat bibilhin at paglalaanan talaga pero hindi pinag-uusapan sa amin yung laki na ng gastos dahil kusa naming ibinigay yun para sa aming idolo. Worth it naman po.

Leave a comment

Leave a Reply