May 22, 2025
Relating their being Chinoy in real life:  An interview with the cast of ‘Mano Po 7: Chinoy’
Featured Latest Articles

Relating their being Chinoy in real life: An interview with the cast of ‘Mano Po 7: Chinoy’

Dec 7, 2016

Richard Yap at Enchong Dee hailed from Chinese ancestors. Kaya madali sa kanila na makapag-portray ng kani-kanilang character role sa bago nilang pelikula na ipapalabas sa mga sinehan itong darating na December 14.

ry2  “It’s a dramatic role. Patriarchal siya pero hindi siya ganoon ka-close sa wife niya at kids.  There are a lot of Chinese fathers who have been brought up being successful in business na dahil sa pagiging busy nila ay walang oras sila sa kanilang pamilya at ito ang naging problema sa pelikula, iyong relasyon niya sa kanyang pamilya,” ani Richard.

 

Siguro, worth emulating sa mga Chinese iyong pagiging industrious nila na siyang dahilan kung bakit sila successful. Iyong pagiging clannish nila at saka iyong kung merong away sa pamilya.  As they say, “do not wash your dirty linen in public,” paliwanag niya.

 

Ayon pa kay Richard, bagamat lumaki siya sa isang traditional Chinese family, hindi raw naman niya maituturing na sobra siyang conservative.

 

Hindi na ako tradisyonal. I don’t impose on my kids. Iba na kasi ang generation ngayon and I want them to live their lives na hindi nakatali sa tradisyon or anything. Sa kultura kasi ng Chinese, mas mahigpit sila pagdating sa mga boys pero sa mga girls, okay lang especially when it comes to marriage,” sey niya.

 

Dagdag pa ni Richard, may mga tradisyon pa rin ng mga Chinese na gusto niyang ipagpatuloy, i-uphold at i-cherish.

 

Iyong bonding nila. Iyong meals nila kung saan nagkakasama-sama sila. Iyong Sunday get together nila that they get to spend with their families and loved ones at sa mga kamag-anak nila. Iyong premium that they give sa family on being and staying together no matter what,” esplika niya.

 

Nung si Enchong naman ang nagrelate, “Iyong pagka-istrikto ng Chinese family, (Insert pic of Enchong Dee here)iyong mga paniniwala nila tungkol sa mga bagay-bagay tulad na lang sa kulay ng damit na dapat at hindi dapat isuot kapag may okasyon, iyong paniniwala nila tungkol sa arranged marriages, doon ako, nakaka-relate sa kuwento nila.

 

Iyong pagpapahalaga nila sa pinagpaguran nila. Iyong pagiging masinop nila sa pera. May paniniwala rin sila na huwag kang gagastos during New Year o sa first day of the year. Iyong maging matalino ka sa paggastos ng pera,” pagbabahagi niya.

 

Hindi rin ikinaila ni Enchong na maingat siya pagdating sa paghawak ng pera.

 

Hindi naman iyong kuripot. Iyong alam mo lang kung ano ang priorities mo pagdating sa mga bagay na pagkakagastahan. Hindi naman iyong pagiging matipid to the point na hindi na realistic,” sey niya.

 

Kabituin ni Richard at Enchong sa ‘Mano Po 7: Chinoy’ sina Jean Garcia, Janella Salvador at Jana Agoncillo bilang mga miyembro ng kanyang pamilya. Kasama rin sa cast sina Jake Cuenca, Jessy Mendiola,  Eric Quizon, Marlo Mortel at Kean Cipriano sa produksyon ng Regal Entertainment.

Leave a comment