May 25, 2025
Renowned comics novelist Rod Santiago directs for the first time
Latest Articles

Renowned comics novelist Rod Santiago directs for the first time

May 8, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

656b35b19b4edfcda6b851078182aa92Sumabak na sa pagdidirek ng pelikula ang batikang komiks novelist na si Rod Santiago na siya ring creator ng ‘Bad Boy’ na siyang nagpasikat sa action superstar na si Robin Padilla. Siya rin ang may-akda ng toprating Kapmilya teleserye na ‘Agua Bendita’ na pinagbidahan ni Andi Eigenmann.

Ilan pa sa mga nobela niyang naisalin sa pelikula at telebisyon ay ang ‘Buhawi Jack,’ ‘The Sisters,’ ‘Mana sa Ina,’ ‘Ang Babaeng Nawawala sa Sarili’ at marami pang iba. Nakapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) kamakailan lang si Rod Santiago.
Unang directorial job ninyo ang ‘Tupang Ligaw.’ Bakit nga po pala si Matteo Guidicelli ang napili ninyong lumabas sa lead role ni Abel considering na wala pa siyang napapatunayan sa box-office?

mqdefault“Nakilala ko kasi Matteo nang magkasama kami sa ‘Agua Bendita.’ Mabait siya, down-to-earth pero athletic. Di nga ba active siya sa sports at isa siyang triathlon athlete.”

Sa palagay mo ba, he has the makings of an action star?

“Oo naman, at saka, hindi lang naman action itong ‘Tupang Ligaw.’ Isa siyang action-drama. May ibubuga rin naman si Matteo sa drama,” paliwanag niya.

Halos masasabing patay na ang action movies sa ating industriya, sa palagay ninyo ba ay maibabalik ng ‘Tupang Ligaw’ ang interes ng mga tao sa panonood ng mga action movies?

“Posible, maaaring oo. Depende naman iyan sa project at matagal na ring sabik ang mga Pinoy sa ibang klase ng putahe,” aniya.
May pagka-religious po ba ang ‘Tupang Ligaw’?

“Hindi, action-packed siya. Ang dating titulo kasi nito ay ‘Tatlong Araw sa Impiyerno.’ Bale, mabilis ang magiging pacing niya para maging kaabang-abang ang mga eksena.”

6Tupang-Ligaw

Ang ‘Tupang Ligaw’ ang first action venture ng BG Films ni Ms. Baby Go with Dennis Evangelista as supervising producer.
Kuwento ito ni Abel, isang sundalo na naghahanap sa kanyang nawawalang kapatid at mapapadpad sa isang bayan na ginawang ala ‘Sodom at Gomorrah’ ni El Diablo (Paolo Contis). Magiging misyon niya na iligtas ang bayan sa kasamaang inihahasik ni El Diablo.
Bukod kay Paolo Contis na gumaganap bilang kontrabida, kabituin rin ni Matteo sina Bangs Garcia, Rico Barrera at marami pang iba.

Leave a comment

Leave a Reply