
Report says that Aicelle Santos is the cause of Gian-Sheree breakup; holds concert in PETA billed as ‘Class A’
Sa February 25 na gaganapin sa PETA Theater ang birthday concert ni Aicelle Santos billed as ‘Class A’. Isa sa special guests niya rito ang nali-link sa kanyang si Gian Magdangal, na ayon kay Aicelle sa panayam sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ay kaibigan niya lang daw ang kapwa singer.
“Mentor-mentoran ko ho yun. Teatro boy kasi siya,” simulang sabi ni Aicelle
Patuloy niya, “Kasi kami when I started with Katy, siya yung teatro boy eversince I was new, so yung lagi siyang may notes lang, ito yung ganito, this part, ganyan,”
Sabay pumasok noon sa Sunday variety show na SOP sina Aicelle at Gian. Dun nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.
“So since then we were really good friends. Mas napatatag lang ‘yung pagkakaibigan nung nag-teatro kasi parang nag-same vibe na kayo ng trabaho,”
Nakarating din daw kay Aicelle na siya ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Gian sa sexy star at dating member ng Viva Hotbabes na si Sheree.
“Narinig ko ho ‘yun, may balitang ganun. Hindi ko naman ho nakausap si Sheree after that. Pero hindi ho totoo yun.
“Kami ho ni Gian, we’re just really, really close friends,”
Bukod kay Gian, guest din ni Aicelle sa kanyang concert sina Regine Velasquez-Alcasid, Kyla at Celete Legaspi.
Samantala, dating member ng grupong La Diva si Aicelle na kasama niya rito sina Maricris Santos at Jonalyn Viray. Na-disband ang grupo nila dahil nag-decide si Jonalyn na maging solo artist na lang.
“But personally wala naman ako na anything against Jona. It’s just that siguro yung La Diva days namin, meron outside person na, I dont wanna say na dahilan, pero hindi lang nagkatugma-tugma yung mga kagustuhan namin sa buhay that time.
“I think that’s one of the causes of the break-up.
“Pero hindi naman sumama ang loob namin ni Maricris kaya Jona.
“Kasi we entered showbiz ng solo-solo ho kami. And nung nag-La Diva kami, very happy but eventually we would want to go back to, kung paano kami nagsimula as solo artists.”
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente