June 7, 2025
Her return: Sylvia Sanchez accepts same heavy role after her persuasive performance in ‘The Greatest Love’
Latest Articles

Her return: Sylvia Sanchez accepts same heavy role after her persuasive performance in ‘The Greatest Love’

Aug 27, 2017

MATAPOS ang mahusay na pagganap bilang isang ina sa pinag-usapang teleserye ng Kapamilya Network na ‘The Greatest Love’ ay balik trabaho na naman ngayon si Sylvia Sanchez para sa isang bagong teleserye at isang movie naman ang sabay niyang haharapin.

Sa teleserye ay makakasama niya ang kanyang anak na si Arjo Atayde at kasama sina Tonton Gutierrez, Yvez Flores, at marami pang iba.

Photo from Sylvia's instagram account
Photo from Sylvia’s instagram account

Ang movie naman niya ay may titulong “Nay” kasama si Enchong Dee. Isang horror movie tungkol sa aswang.

Ang magiging director nila sa “Nay” ay ang director ng “Bar boys” na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na isa sa mga top grosser films at  talagang nagustuhan ng mga audience.

About sa teleserye, sabi nga ni Sylvia, kasing bigat ng role niya sa “The Greatest Love” ang role nya sa bagong serye sa Kapamilya Network.

Sa ngayon ay parehong magsisimula na ang nasabing project.

At nakapag guest appearance pa siya sa isang movie na “The Barker” under Blank Pages Productions na bida naman si Empoy Marquez at sa direksyon ni Dennis Padilla.

Kasama rin sya sa La Luna Sangre na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

So, araw araw na naman ang work ni Ibyang after ng two months niyang vacation.

Abala rin sya bilang endorser ng isang beauty product.

Leave a comment