
Did Reuben Manahan visit ex-girlfriend’s wake?
Isa ang dating ka-loveteam at kasintahan ni Isabel Granada for 5 years na si Reuben Manahan ang sobrang nalungkot sa pagkamatay ng singer-actress.
Sabi niya, “May nagtatanong nga sa akin kung bakit hindi raw ako nagpu-post ng messages tungkol sa pagkamatay ni Isa sa social media pero sabi ko nga sa sarili ko, ayaw ko naman na bilang respeto na rin sa kanyang dating asawa na si Geryk (Jericho Aguas) at husband niya ngayong si Arnel (Cowley). Kaya umiwas talaga ako,” sabi ni Reuben
Pero nagawa naman ni Reuben na pumunta sa burol ni Isa para makiramay sa naiwang pamilya nito lalo na sa butihing ina ni Isa na na si Mommy Guapa.
Dalawang gabi siyang nasa burol. Nung nakita namin dun si Reuben infairness ay gwapo pa rin ito. Tulad ni Isa ay hindi pa rin tumatanda ang hitsura
Si Reuben ay Vice President ng isang malaking kumpanya after niyang talikuran ang showbiz.
*******************************
Natutuwa kaming malaman na balik sa pag-arte ang award-winning actress na si Sharmaine Arnaiz sa isang episode ng Magpakailanman titled “Anak Mo. Anak Ko. Anak Natin” bilang si Rohaniza “Hani” Abdul Jabbar Cabugatan.
Ang nasabing episode ay tungkol sa isang batang nawalay sa totoo niyang ina (Sharmaine), ngunit nakatagpo ng isa pang ina (Yasmien Kurdi) na nagmahal at nag-aruga sa kanya sa maraming taon.
Aling ina ang mas may karapatan sa kanya?
Inihahandog ng Magpakailanman ang isa na namang pang-anibersaryong presentasyon na tiyak na kukurot sa inyong mga puso.
Ngayong Sabado, tunghayan ang viral story ni RamRam at ng kanyang dalawang ina. Mula ito sa direksyon ni Ms. Gina Alajar.