May 22, 2025
‘Revirginized’ totally new for Megastar
Latest Articles

‘Revirginized’ totally new for Megastar

Mar 4, 2021

The fans of Megastar Sharon Cuneta have no reason to be alarmed even if the actress accepted the project titled Revirginized, her comeback movie under Viva Films. It is Sharon’s first film under Viva in 19 years.

While the title sounds shocking, Sharon assures her Sharonians they have nothing to worry about.

“I liked the story when my director Darryl Yap pitched it to me. It’s something different and I haven’t done anything like this before,” the megastar shared at the story conference of Revirginized last Sunday.

Hindi big deal kay Sharon na isang baguhang director ang nasa likod ng camera ng Revirginized.

The megastar recalled baguhan din siya nang alukin siya ng yumaong director na si Danny Zialcita para magbida sa Dear Heart. Pumatok sa takilya ang Dear Heart and the rest was history.

Sa Revirginized ay gagampanan ni Sharon ang papel ni Carmela, isang babae na at the age of 16 ay nagkaroon na agad ng anak kaya hindi na-enjoy ang pagkadalaga.

“But she meets a new friend who takes her to a beach party and makes her experience everything that she has not experienced before. 

“I can relate with her kasi I also got married at 18 and ang world ko noon was just shooting and doing my TV show. I was robbed of my privacy and anonymity, but I don’t regret it.”

Hindi rin worried si Shawie sa possible reaction ng kanyang husband na si Sen. Kiko Pangilinan kapag napanood ang movie.

“Well, kapag nanood siya, pwedeng magulat siya ‘tapos sasabihin na lang niya sa akin, tsk… Kiko’s very supportive, sobra. Lahat ng gawin ko, kahit nga yung mga ka-love team ko, eh, mga ex ko, di ba?

“Seriously, he’s very understanding and supportive. I’m very blessed to have a husband like him,” dagdag niyang pahayag.

Hiningi rin ang reaction ni Sharon sa mga celebrities at ibang social media influencers na nagpapabayad para gamitin sa pagpapakalat ng fake news.

“Oh my God, ikinahihiya ko sila!,” reaksyon ng Megastar. “Kasi kunyari pag artista ka, nung kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na presidente, o-offer-an ka nang milyun-milyon para sila endorsohin mo.

“Never ako nagpabayad. Lagi akong… I’d rather go with this one kahit matalo kasi yung prinsipyo or whatever my beliefs were pumapantay,” deklara pa niya.

Ganito rin daw ang ginagawa niya sa mga product endorsements na tinatanggap niya.

“Parang sa endorsements, this is a well-known fact in the advertising industry. You can talk to anybody in any advertising company.

“Sa dami ng endorsement offers na tinanggihan ko over the decades, dahil ang feeling ko, babayaran nga ako pero yung produkto, parang palpak ‘to or yung serbisyong ‘to, hindi ko malunok.

“Kung pinatulan ko lahat ng endorsements na ‘yon, siguro doble na yung naipon ko sa ipon ko ngayon. It’s the same thing with me, ang feeling ko, kung sa fake news.

“Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it?

“Kasi di hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa dun sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke. Ginagamit mo yung impluwensiya mo sa maling paraan para kumita,” tuluy-tuloy pang paliwanag ni Sharon.

Despicable din daw at unacceptable para sa kanya ang ganung klaseng gawain.


“Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya,” pagdidiin pa ni Sharon.

Makakasama rin ni Sharon sa Revirginized si Rossana Roces, na tinawag ni Sharon na totoong tao. Alam naman natin lahat na open book ang buhay ni Osang at wala itong itinatago.

Hanga si Sharon sa pagiging totoong tao ni Osang at umaasa siya na magiging kaibigan niya ito kahit tapos na ang shoot ng Revirginized.

Excited si Sharon na makasama si Osang sa pelikula and they are both looking forward working together on the set.

Leave a comment