May 25, 2025
Rex Lantano still can’t get over John Lloyd Cruz’s powerful, quiet scene in ‘Culion’
Latest Articles

Rex Lantano still can’t get over John Lloyd Cruz’s powerful, quiet scene in ‘Culion’

Dec 24, 2019

Rex Lantano felt the acting power of award-winning actor John Lloyd Cruz in Ricky Lee’s “Culion.” Cruz delivered an outstanding performance.

“Hanggang ngayon, tumatayo pa rin balahibo ko sa husay ni John Lloyd sa Culion. What a scene like that,” the young actor expressed.

In a sit down interview, Rex told PSR that Cruz is his favorite actor. He thanked his former manager Shandii Bacolod for giving him the opportunity to witness Cruz’s magic.

“Nung narinig ko na nililigawan ni Shandii (Producer) si John Lloyd Cruz para mapasama sa Culion, natuwa ako. Natuwa kaming lahat,” he shared.

He continued, “Nung nasa palawan na kami at pinatawag kami ni Mike Liwag na pumunta na ng set, nagulat kami na eksena na pala ni JLC.

“Tinatawag na kami ng make-up artist para ayusan pero nakiusap kami na manood muna at pinaupo kami ni Shandii sa malapit sa monitor, grabe ibang-iba talaga ‘pag John Lloyd Cruz, parang may magic pag nasa screen na s’ya. May ganung pakiramdam.”

Lantano played Dado, an altar boy. He said doing the movie was a whole, humbling experience. 

“Ako dito si Dado, isang sakristan ni Father Salvino played by Sir Joel Saracho. Isa akong SANO, meaning walang sakit. Pilit akong nakikibagay sa mga tao sa Culion, pero kinekwestyon nila ang sensiridad ko dahil iba ako sakanila. Habang tumatagal ang storya, unti-unti na nila akong natanggap.”

The 24-year old actor also praised lead stars Iza Calzado, Jasmin Curtis, and Meryll Soriano, and one of the lead actors Mike Liwag

“Lahat po sila magagaling. Buong ensemble solid! Sobrang bait nina ate Iza, Meryll at Jasmin. 

“Pero dito, humanga ako nang tuluyan kay Mike Liwag. Matagal ko na siyang kaibigan, nakita ko sa kanya kung gaano siya kagutom umarte. 

“Ngayong binigyan na siya ng pagkakataon, wala siyang sinayang na eksena. Binigay n’ya lahat sa bawat eksena nya, masayang masaya ako para sa kanya sa proyektong ito. Siya to. Sa kanya ‘tong oras na ‘to.”

Directed by Alvin Yapan, and written by multi-awarded Ricky Lee, and produced by first-timer Gilie Sing and highly recognized Shandii Bacolod, “Culion,” an official entry to Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, opens December 25 in cinemas nationwide.

“Bigyan muna natin ng oras ang pelikulang ito. Hayaan nating i-kwento sa atin kung gaano kahalaga ang kasaysayan ng Culion. Maaawa at mamahalin natin ang mga taong namuhay at namatay dahil sa malalang sakit na walang lunas noon. At ngayon na nakaligtas na ang Culion, ang buong Pilipinas sa sakit na ito, ating puntahan para makita kung papaanong nakabangon ang Culion sa madilim nitong nakaraan,” Lantano ended. 

Leave a comment