May 22, 2025
Rey Langit Joins 8 Trimedia Broadcasting Network
Faces and Places Featured Latest Articles

Rey Langit Joins 8 Trimedia Broadcasting Network

Aug 3, 2016
by Rodel Fernando
by Rodel Fernando

Dahil sa pagiging abala noong nakaraang eleksiyon sa kanyang pagtakbo  bilang senador, pansamantalang hindi narinig sa radyo ang boses ng batikang brodkaster na si Rey Langit.

Sa kaniyang pagkawala, marami sa kanyang mga tagasubaybay ang nalungkot at nagtatanong kung bakit hindi na siya napapakinggan sa radyo.

Huling narinig sa himpapawid ang boses niya sa himpilang DWIZ kung saan nagsilbi rin siyang station manager ng naturang AM station sa mahabang panahon.

At sa mga nananabik sa  muli niyang pagbabalik  sa radyo,  mapapakinggan na siya  sa  kaniyang bagong tahanan sa DZRJ 810 AM Radio na sabayang napapanood sa 8 Tri-TV Cable Link Channel 7 at live streaming all over the world sa 8trimedia.com live broadcast na pinalakas ng 8 Trimedia Pro, Incorporated. Naging maganda ang imbitasyom at pagtanggap sa kaniya sa kaniyang bagong tahanan kaya hindi siya nahirapangmagdesisyon.

 

“Maganda yung invitation kasi alam mo naman sa buhay natin sa media depende sa klase ng invitation hindi naman tayo materialistic basta maganda yung approach.”

“Nung sabihin sa akin na hindi namin kinuconsider yung recognitions and awards, ang importante sa amin isang taong sinsero sa public service gusto namin makasama sa pamilya. Touch na touch ako sa ganun hindi yung resume mo o achievements ang bibilangin. Kasama naman ng advocacy mo nakakatuwa naman”

pahayag ng batikang brodkaster.

image2

Kabilang sa mga programang aabangan sa award winning broadcast-journalist ay ang “Kasangga Mo Ang Langit” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 to 11am at Balita sa Tanghali sa pareho ring mga araw sa ganap na ika-12 ng tanghali.

 

 

Leave a comment

Leave a Reply