May 21, 2025
Rhea Tan opens Pacita Mansion doors to media, celebs
Latest Articles

Rhea Tan opens Pacita Mansion doors to media, celebs

Feb 13, 2025

Memorable bonding at bakasyon grande ang na-experience ng mga masuwerteng members ng entertainment media recently, courtesy ng napakabait na Beautéderm president and CEO na si Ms. Rhea Tan.

Mula umpisa ng aming tatlong araw na pagdalaw sa Vigan, Ilocos Sur hanggang sa makauwi kami, grabeng pag-aalaga at super spoiled kaming lahat sa kakaibang hospitality at generosity na naranasan namin kina Mam Rei, Mommy Pacita Anicoche, and company.

First time namin sa Vigan, Ilocos Sur at definitely ay sobrang hindi namin malilimutan ang experience na ito. Bukod kasi sa ganda ng Vigan, sobrang napakababait ng aming hosts.

First stop ay sa Beautéderm Headquarters sa Angeles at may ibinigay na agad na giveaways na kailangang-kailangan talaga namin like Belle Dolls, Beautéderm, at BlancPro products, pati na ang Beautéderm neck pillow para mas maging komportable sa mahabang biyahe na umaabot ng about nine to ten hours.

Obvious na talagang pinaghandaan at pinag-isipan ang bonding namin na ito ng mga kinauukulan.

Pagdating namin sa Pacita Mansion sa Vigan, dito tumambad sa amin ang  napakagarang gift ng kilalang business mogul sa kanyang mahal na ina na si Mommy Pacita, at matagal nang pangarap ni Ms. Rei ito para sa kanyang mommy.

Ibang klase sa ganda ang Pacita Mansion, kaya hindi kami magtataka kung very soon ay magiging isang sikat na landmark sa Vigan ang Pacita Mansion na malapit lang (walking distance lang, actually) sa Calle Crisologo na dinarayo ng mga turista dahil kilala ito sa mga old houses, cobblestone streets, historic architecture, romantic atmosphere, at iba pang doon lang makikita.

Pagpasok pa lang sa gate ng mansion ay may welcome banner na para sa aming taga-media, at may naghihintay na naman na giveaways at masarap na meryenda kabilang na ang napakasarap na miki noodles na niluto mismo ni Mommy Pacita.

After nito ay nagkaroon kami ng mini-tour ng mansion at kami’y humanga sa laki at sa ganda nito. Mistulang five-star hotel ang Pacita Mansion at masasabi naming katas ito ng pagsisikap and kasipagan ni Ms. Rhea at sagisag ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang Mommy Pacita.

Ilang oras lang ang lumipas, sumabak na naman kaming lahat sa masarap na dinner sa pool side ng Pacita Mansion.

Bumisita rin at nakisalo ang alkalde ng Vigan na si Mayor Jose ‘ Bonito’ Singson, Jr. nang kami ay nagdi-dinner na, kasama si Mayora Mia Aguila Singson.

Sa Vigan trip na ito ay na-meet din namin ang mababait na public servants ng Ilocos Sur na sina Governor Jerry Singson, Vice Governor Ryan Luis Singson, na sobrang welcoming at nakasama pa namin sa dinner sa second day. Good friends sila ni Ms. Rhea.

Worth mentioning din ang masayang experience namin sa Pinakbet Farm, weaving factory, Casa Vicente ni Mayor Bonito, BarTech sa Calle Crisologo, ang product at food fair sa Vigan (na sumabak kaming taga-media sa mahabang lakaran with Ms Rhea, Kakai, at Jaiho), at ang Baluarte Resort and Mini Zoo na pag-aari ni former Ilocos Sur governor Chavit Singson.

Maraming salamat din sa dalawang Beautéderm ambassadors na sina Kakai Bautista at DJ JhaiHo sa pakikipag-bonding sa press dahil lalo nilang pinasaya ang espesyal na okasyon na ito. Masasabi kong bagay silang maging part ng Beautéderm family dahil tulad din sila ni Mam Rhea, na mababait at totoong tao.

Siyempre pa, salamat din sa mababait at masisipag na bahagi ng Beautéderm family na sina Ms. Mylene Timbol, Marianne de Guzman, Chona Lee, Doreen Canyong, Eazel Puno, Jennifer Niñal, at iba pa sa kanilang pag-aasikaso at pag-alalay sa amin.

Pag-uwi ay tambak ang bitbit naming pasalubong na Bonito, bagnet, at Vigan longganisa mula kay Mam Rhea at kay Mommy Pacita. Ibang klase talaga ang kabaitan nila at ang ipinatikim nilang alagang Beautéderm sa amin.

Ngayon ay alam na namin kung saan nagmana ng sobrang kabaitan si Ms. Rei, of course sa kanyang mahal na Mommy Pacita. Kitang-kita naman na pati ang number-1 BFF niya at younger sis na si Ms. Bambie Anicoche ay super-bait at sobrang maasikaso sa aming lahat.

God willing, wish namin na muling makabalik sa Vigan at sa Pacita Mansion para sa isa na namang hindi malilimutang experience.

Leave a comment