Rica Peralejo called hospital staff at St. Luke’s Medical Center Global as “unprofessional”
Inihayag ng aktres na si Rica Peralejo sa pamamagitan ng social media ang kanyang frustration sa mga unprofessional staff at nurses sa 8th floor ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig kamakailan lang. Ayon sa aktres sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, pumunta siya sa nasabing pagamutan dahil hindi maganda ang kanyang pakiramdam at upang makapagpagamot. Pero ayon pa rin sa salaysay ni Rica, naging “unprofessional” diumano ang nurses at staff ng St. Luke’s dahil sa kagustuhan ng mga itong makapagpa-picture one by one kasama ang aktres kahit pa may iniinda itong karamdaman.
Sa isang hiwalay na post din ni Rica sa kanyang Instagram account, sinabi nito:
“Done with tests, waiting for results. Time has gone to different people asking me details about the St. Luke’s incident. Explained that it did not happen at the ER but on the 8th floor with some of the staff from clinics on that floor. Apparently, they have different policies,” she said.
Humingi na ng paumanhin kay Rica ang pamunuan ng St. Luke’s ukol sa nangyaring insidente. “Sinabi ko sa St. Luke’s rep na baka naman puwede nilang bigyan ng memo kasi yung clinic dinadala pa rin yung pangalan nila. Na-appreciate ko naman yung apology nila,” sabi ng aktres.
Hindi na nagbigay pa ng anumang pahayag ang aktres tungkol sa nasabing insidente. Sinabi na lang nito na isusulat na lang niya ang tungkol dito sa kanyang blog kapag nagkaroon siya ng oras.
Kaugnay nito, may ilan ding bumatikos kay Rica na netizens, ayon sa kanila, hindi naman na daw sikat ang aktres para pagaksayahan ng oras ng mga nurse at staff ng nasabing pagamutan. Nagpapapansin lang daw ang aktres para muling mapagusapan at hindi rin daw tama na gamitin ni Rica ang kanyang personal na blog para isulat ang insidente. Magda-drive lang daw ito ng mga mambabasa sa kanyang blog upang sumikat ulit ang diumano’y laos nang karera ng aktres.