May 24, 2025
Rich Asuncion has finally found someone to love
Faces and Places Latest Articles

Rich Asuncion has finally found someone to love

Jun 18, 2015

By PSR News Bureau

rich-ben-001-600

Kung dati rati’y palagi na lang bigo ang Kapuso actress na si Rich Asuncion sa kanyang buhay pag-ibig, hindi na ganito ang sitwasyon ngayon. Dahil finally matapos ang matagal na paghihintay, dumating na nga ang masasabi niyang ‘prince charming’ ng kanyang buhay, ang Philippine Volcanoes member na si Benjamin Mudie. Hindi na nga maitago pa ni Rich ang kanyang kilig at kasiyahan sa tuwinang pag-uusapan ang nobyo niyang rugby player. Si Benjamin ay isang Filipino-Australian na miyembro ng Philippine Volcanoes o ng Philippine rugby team.

aljur_abrenica_on_kuya_germs___this_guy_is_a_blessing___1392786400Madaming pait ng pag-ibig ang kinailangang pagdaanan ni Rich bago nito nakilala si Benjamin. Dati na siyang nail-link kay Aljur Abrenica bago pa man maging nobya ng huli si Kylie Padilla. Pero dahil may pinangangalagaang loveteam ang binata noon kung kaya’t kinailangan nilang pabulaanan sa publiko ang anumang namagitan sa kanila. Kaya’t masaya ang Philippine Showbiz Republic (PSR) dahil sa wakas nga ay nakahanap na ito ng masasabi niyang tunay na pag-ibig na kaya siyang ipagsigawan at ipaglaban.

Paano nga ba sila nagkakilala ng kanyang nobyong si Benjamin?

“Nagkakilala kami through Yasmien [Kurdi]. Siya yung naging daan para mag-krus yung landas namin. Kapitbahay niya, tapos noong ipinakilala, ayun, nahulog agad yung loob pagkakita sa akin,” pagbibiro ng dalaga.

Bukod kasi sa co-star ni Rich si Yasmien, kaibigan din niya talaga ito. Kaya’t umpisa pa lang ng kanilang relasyon ay kaagad boto na si Yasmien kay Benjamin para sa kaibigan. “Mabait kasi si Benjamin at talagang gentleman from day one. Napaka-consistent niyang tao, kaya’t okay talaga. Kumbaga nag-swak agad yung personality namin.”

Naghahanap ba talaga siya ng magiging boyfriend kaya siya ipinakilala ni Yasmien kay Benjamin?

“Actually, ang dinig ko, siya talaga ang naghahanap ng maganda!” natatawang sabi ng StarStruck alumna.

“Hindi, ako naman kasi, matagal na rin akong single… two years na rin. Prior to meeting Benjamin, I’ve gone on dates naman but unfortunately hindi siya nag-prosper into an actual relationship. So, yun nga, ipinakilala lang ako. We first met sa premiere ng Avengers. Then after that, nasundan na yun ng actual dates, ganun.”

“Pero talagang from day one, okay kami. Parang tama lahat ng nangyayari. Basta ang saya ko lang. Siya yung dahilan nung happiness na iyon. Kaya nga I am praying and hoping na sana…siya na.”

“Ako naman kasi, gusto ko lang ng normal na relasyon, mai-date ako, maging proud sa akin, hindi mahihiya na ilabas ako. Never akong nakapag-date sa mall, never akong nakanood ng sine na okay talaga. So, first time ko lang siyang nararanasan ngayon, like kumain sa labas and all.”

Ilan sa mga naging karelasyon ni Rich ay sina Aljur Abrenica at ang ex din ni Marian Rivera na si Ervic Vijandre.

Naiintindihan naman daw ni Rich kung bakit hindi niya nagagawa ang mga bagay na nabanggit niya noong karelasyon niya ang dalawang aktor.

Basta ang masasabi lang ni Rich ngayon ay, “Perfect yung situation ko ngayon kung ikukumpara noon. At saka hiniling ko talaga n asana yung guy na dumating is non-showbiz. Yun ang number one requirement ko talaga, non-showbiz. Siguro kasi masyado na akong nadala sa mga showbiz guys. Mas mahirap din kasi kapag parehas kayon ng mundong ginagalawan. Pero happy na ako ngayon sa mga nararanasan ko. Sabi ko nga, ‘It’s worth the wait.’”

May natutunan din si Rich sa pakikipag-relasyon sa isang foreigner.

“Pag foreigner pala yung boyfriend mo, hindi ninyo pag-uusapan yung tipong: ‘O, tayo na. Yung mga monthsary,’ walang ganun. Basta sila [foreigner], ipinapa-feel lang nila yung nararamdaman nila, he makes me feel secured through his actions.”

Basta ayon kay Rich, anuman ang meron sila ni Bejamin ngayon ay malaking kasiyahan ang idinudulot nito sa kanyang buhay. Kaya’t para sa dalaga, ‘worth the wait’ talaga ang ilang taong hinintay niya para sa isang tunay na pag-ibig.

Leave a comment

Leave a Reply