May 23, 2025
Richard Gomez and Dawn Zulueta talks about their ‘love affair’
Latest Articles Uncategorized

Richard Gomez and Dawn Zulueta talks about their ‘love affair’

Jul 29, 2015

arseni@liao

By Archie Liao

000085924

Ang CharDawn (Richard Gomez-Dawn Zulueta) ang itinuturing na one of the most enduring love teams to date.

Hindi nabawasan ang fascination sa kanilang love team ng  fans at followers nila even way back noong 90’s nang magtambal sila sa hindi malilimutang obrang “Hihintayin Kita sa Langit.” Naging successful din ang muli nilang pagsasama sa kanilang reunion project na “Walang Hanggan” na nagpa-solidify ng kanilang fan base at maging sa smash hit na Kathniel movie na “She’s Dating the Gangster.”

Ngayon, balik-tambalan sila sa most awaited romantic drama of the year na “The Love Affair” kasama ang movie queen of the new generation na si Bea Alonzo.

Ano ang masasabi mo na at 46 (Dawn) at 49 (Richard) na kayo, and after 25 years of being a loveteam,  you still get to land in lead roles?

“Hindi nga ako makapaniwala. May asawa na ako at kami ni Chard, tinatangkilik pa rin ng mga fans. Iilan na rin kasi iyong nakakaganap ng lead nang tulad sa amin kaya we consider ourselves very fortunate as a love team, dahil pinapangalagaan namin iyong love team namin at we get to play roles na binabagayan naman sa edad namin. We get to play roles na as close to real as possible like ex-lovers who cross paths later and a married couple undergoing problems in their relationship,” ani Dawn.

“Iyon naman kasing fans namin ni Dawn, very now na rin siya kasi mga anak sila noong mga naging fans namin noon. Sa fantasy life ng mga viewers, naroon iyong pagtanggap sa amin as a love team. When you put Dawn kasi on the screen, lumalabas iyong ganda ng chemistry naming,” paliwanag ni Richard.

Kung sakali bang kayo ang nagkatuluyan sa tunay na buhay, how do you see yourself now?

“Kung kami, baka wala na kami as a love team. Baka nawala iyong excitement. Wala na iyong spark ng love team kasi baka naging iba na ang priorities namin at hindi na showbiz,” ayon kay Dawn.

“The sad thing about relationship sometimes is, it has to end and sometimes painful ang consequences. It’s really painful. Iyong sa amin ni Dawn, naging painful din iyon sa akin but I have lots of experiences learned. It goes with maturity. Pero in our case, we stayed friends so the chemistry remains,” balik-tanaw ni Richard.

Public knowledge naman na naging kayo way back bago pa kayo ikinasal sa iba. Ano ang katangian ng isa’t-isa na sa palagay mo ay wala sa ibang  naging karelasyon ninyo?

“Mga quality ni Dawn na wala sa iba. Maganda siya. She’s very beautiful. She’s smart. Physically she’s very sexy and mentally she’s very intelligent. As an actress, magaling talaga siya. What else I can say, nasa kanya nang lahat,” sagot ni Richard.

“Let’s just say na marami naman kaming naging happy times together. Na-e-enjoy pa rin namin ang isa’t-isa,” pagwawakas ni Dawn.

Papel ng mag-asawang Patricia at Vince ang roles nina Dawn at Richard sa “The Love Affair” na nagkaroon ng problema ang relasyon nang mangaliwa ang una.

First time na gaganap ni Dawn Zulueta na siya ang magiging unfaithful sa kanyang husband na pagbabayaran naman niya ang mga consequences ng kanyang indiscretion. Papel naman ni Adie ang binibigyang buhay ni Bea Alonzo na iniwan ng kanyang boyfriend.Magtatagpo sila ni Vince sa pagkakataong pareho silang naghahanap ng sagot at direksyon sa kanilang mga relasyon.

Ang “The Love Affair” ay tungkol sa kuwento ng mga taong may pinagdadanan sa sangangdaanng kanilang mga relasyon.

Ito ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong kapuluan simula sa Agosto 12.

Leave a comment

Leave a Reply