
Richard Quan quitting showbiz?
Happy ang award-winning actor na si Richard Quan na nalilinya siya sa mga period at historical films.
Katunayan, proud siya na sa mga ganitong klaseng genre siya napansin at nagkaroon ng acting awards.
Maraming taon din ang hinintay niya bago siya nanalo ng awards bilang best supporting actor sa “1957” na naging kalahok sa 2018 ToFarm Filmfest at “Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan” na naging entry sa 2019 Singkwento International Filmfest.
Sa susunod na proyekto niya na “A Thousand Tears” na idinidirek ng acclaimed writer-director na si Francis Villacorta (Pedro Calungsod, Batang Martir), isa na namang historical figure ang kanyang ginagampanan: ang buhay ng bayaning si General Vicente Lim na isa sa mga personaheng tampok sa 1,000 peso bill.
Bagamat nakaganap na siya sa mga roles ng mga pambansang bayani sa pelikula at telebisyon, kakaibang hamon naman daw para sa kanya ang i-portray ang buhay ni General Vicente Lim.
“He’s a general. Isa siya sa nabigyan ng scholarship sa isang prestigious American military school. He’s the first Filipino na grumadweyt sa US Military Academy at West Point noong 1914. Sa school niya, outstanding siya kasi pinabilib niya iyong mga Amerikano. When the time comes for him to come back and serve his country, dinala niya what he learned from his school. He reformed our armed forces during that time. He’s a good strategist at based sa mga sulat niya sa asawa niya, strict siya at the same time, he’s a loving husband to his wife and a good father to his children. Siya iyong isa sa mga last men standing before the fall of Bataan,” kuwento niya.
Dagdag pa niya, isang malaking karangalan daw para sa kanya ang gumanap sa isang historical icon na makikita sa 1,000 peso bill ng Pilipinas.
“Gusto kong mag-iwan ng legacy at bonus na lang kung maalala ako ng tao kapag tinitingnan nila ang 1,000 peso bill,” aniya.
Hindi naman niya ikinaila na three to four years from now, pinag-iisipan na niya ang mag-retiro sa showbiz.
“25 years na ako sa showbiz. Naisip ko iyong semi-retirement kasi gusto kong mag-explore ng ibang field,” pagtatapos niya.
Hirit pa niya, gusto raw niyang magpokus at i-devote ang kanyang panahon sa kanyang foundation na layuning magpaaral ng mga deserving scholars.
Bukod kay Richard, tampok din sa “A Thousand Tears” sina Isko Moreno bilang Vicente Abad Santos at Menchu Lauchengco-Yulo bilang Josefa Llanes Escoda.
Kasama rin dito ang opera diva at Gawad CCP awardee na si Fides Cuyugan Asensio bilang tagapaglahad ng kuwento at resource person na nakaengkuwentro ang tatlong bayani noong nabubuhay pa ang mga ito.