May 23, 2025
Richard Quan talks about professionalism, new movie ‘Mujigae’
Latest Articles

Richard Quan talks about professionalism, new movie ‘Mujigae’

Oct 13, 2024

Isa si Richard Quan sa mga aktor natin na hindi nababakante sa projects, mapa-TV man o pelikula.

Sa aming huntahan via Facebook, nalaman namin na ang movie nilang Mujigae ang una niyang pelikula na ipalalabas sa sinehan mula nang nagka-pandemic.

“Yes, as far as I can remember. Iyong sa sinehan talaga, before pandemic pa yata,”  pahayag ni Richard.

Aniya pa, “Masaya ako dahil finally ay nalagpasan na natin ang worst. I just hope this time, magkatulungan na ang mga tao sa industry towards progress.

“I hope rin na ma-open-up pa lalo sa international market ang mga produced ng Pinoys. And I hope na madagdagan pa ang support ng government sa industry natin.”

Pero si Richard, may pandemic man o wala, in demand siya sa iba’t ibang projects. Ano ang sikreto niya?

“Awa ng Panginoon, hindi naman (tayo nababakante)… Isa ako sa pinaka-busy noong pandemic. Pero plano ko na rin magbawas ng work load, baka in 3-4 years.”

Esplika pa ni Richard, “Iyong professionalism ay napakahalaga, na huwag dapat ma-late, know your work, i-appreciate lahat (tao, bagay o event) At willingness to learn lagi. Kasi naniniwala ako na habang buhay tayo, mayroon tayong matututunan.”

Inusisa rin namin ang movie nilang Mujigae na tinatampukan nina Alexa Ilacad, ng Korean actor na si Kim Ji-soo at ng talented child actress na si Ryrie Sophia.

“Isa itong family drama, ako rito si Tatay Emong, isang simple minded tatay ni Alexa (Ilacad) na nalagay sa complex situation dahil sa mga naging decisions niya in the past.”

Ang pelikulang Mujigae ay para sa mga ina at para sa mga nagnanais maging ina at sa mga piniling magpaka-ina. Ito ay hinggil sa isang batang naulila sa murang edad, si Mujigae (Ryrie) na nahanap ang matagal nang inaasam na makasama at maramdaman ang pagmamahal ng isang ina sa pamamagitan ng kanyang tiyahing si Sunny (Alexa).

Kasama rin sa pelikula sina Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Cai Cortez, Anna Luna, Lui Manansala, Peewee O’Hara, Rolando Inocencio, at Scarlet Alaba, with the special participation of Rufa Mae Quinto.

Ang Mujigae (Rainbow) ay hatid ng UXS Inc (Unitel/StraightShooters) at pinamahalaan ni Direk Randolph Longjas.

Ang screenplay ng pelikula ay mula kina Mark Raywin Tome at Randolph Longjas, line producer si Noemi Peji, associate producer si Grace Quisias, at executive producers sina Tony Gloria & Madonna Tarrayo.

Showing na ang pelikula sa SM cinemas.

Leave a comment