May 22, 2025
Richard Yap understands Judy Ann’s decision for not doing the soap
Latest Articles T.V.

Richard Yap understands Judy Ann’s decision for not doing the soap

Jun 23, 2015

Rommel_Placente
By Rommel Placente

judy ann

richard yap Ayon sa official statement na ipinalabas ng Dreamscape Entertainment, willing daw silang hintayin ang availability ni Judy Ann Santos para sa serye na gagawin nito sa kanila, ang “Someone To Watch Over Me” kung saan makakatambal nito si Richard Yap. Ibig sabihin, hihintayin muna nilang makapanganak ang misis ni Ryan Agoncillo. Nag-decide kasi si Juday na hindi na gagawin ang nasabing serye nang malaman niyang buntis siya. May mga eksenang aksyon daw kasi ang nasabing serye na hindi makakabuti sa maselang kalagayan nito ngayon kaya’t nagdesisyon ito na huwag na munang ituloy ang serye.

Nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) si Richard sa grand presscon ng “Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito” na bida sila ni Enchong Dee, tinanong namin judy ann 1siya kung okay din ba sa kanya na maghintay sa availability ni Juday para sa kanilang serye.

“Yeah, kasi sinabi naman nila na in the meantime, I’ll be doing another show. So, inaayos lang nila ‘yung isang
show. Teleserye din,” sabi ni Richard.

Patuloy niya, “Yes, it’s completely different from ‘Someone to Watch Over Me.’ Hindi ko alam kung ano ‘yung exact story, ipi-pitch pa lang sa akin. Pero sabi sa akin, inaayos na nila, ginagawa na nila.” Aminado naman si Richard na nanghihinayang siya sa pagkakaantala ng kanilang teleserye, pero naiintindihan daw niya ang sitwasyon ni Juday.

“Of course, everyone was ready to start the show already, lahat kami naghintay. Actually, nakapag-pilot taping na rin kami. But since it’s for her health, naiintindihan naman yun. That’s understandable kasi buntis nga siya and her role requires action. Talagang naiintindihan namin na ‘di niya puwedeng gawin yun.”

“We’re happy that she’s pregnant because it’s something she really wanted. Hindi lang nag-timing yung show namin, so we just have to wait.”

Leave a comment

Leave a Reply