
RICHENNATIQUES CELEBRATES 3RD YEAR ANNIVERSARY
by Mildred Amistad Bacud
Three years ago ay nabuo ang Richennatiques fan club para suportahan ang aktor na si Richard Yap. Nito lamang January 22 , sa Society Lounge Makati ay nagdiwang ang buong grupo. Ayon kay Abie Bonifacio, isa sa mga admins ng Richennatiques ay dinaluhan ito ng mga members na galing pa sa iba’t-ibang lugar gaya ng Cebu, Tarlac, Zambales at California.
Dumating si Richard kasama ang asawang si Melody. May hinandang presentation at games ang grupo. Natuwa ang aktor sa hinandog na mga production number gaya ng pagkanta, pagsayaw at may nag-hand mime pa nga. Sa huli ay nagkaroon ng photo opportunity sa lahat ng members ng Richannatiques.
Nag-iwan naman ng mensahe si Richard para sa grupo.
“Salamat sa oras na binuhos niyo dito, it is very much appreciated. I just want to thank you all sa lahat ng suporta na binibigay niyo sa akin, everytime na we have a new project, show or whatever it is, you’re always there. Parating andiyan ang Richennatiques for me so thank you so much and more years to come. I hope you will like the next project that we will be starting mid this year wala pang details basta i’ll let you know along the way. Thank you so much.”
Sey pa ni Abie ng Richennatiques, “ Looking forward na din ang aming grupo sa susunod na proyekto ni Mr. Richard Yap. At kung ano mang proyekto at kung sino man po ang kanyang makapareha ay masaya po kami. Susuportahan namin sya kahit ano pang project ang ibigay sa kanya.”
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud