May 23, 2025
Ricky Gumera expresses gratitude for producer, manager’s support
Latest Articles

Ricky Gumera expresses gratitude for producer, manager’s support

Dec 1, 2020

Normal na sa mga baguhang artista na sumasabak sa pagpapa-sexy sa pelikula ang paghinalaan na may mga ginagawang sideline o monkey business.

Sa kaso ng newbie actor na si Ricky Gumera na isa sa tampok sa pelikulang Anak ng Macho Dancer, kahit dumanas nang matinding hirap ay sumusumpa siyang hindi kumapit sa patalim.

“Marami pong nagpaparamdam before na gay pero nandiyan na po ‘yung tita-ninang ko na nasandalan ko before. Siya ang sumuporta sa pag-aaral ko, bukod sa scholarship ko,” sambit niya.

Sa mga hindi raw naniniwala, sinabi ni Ricky na kung pumatol daw siya, dapat ay hindi sa squatter area siya nakatira. Kailan lang kasi nakalipat nang maayos na apartment si Ricky, courtesy ng producer nilang si Joed Serrano.

Nang usisain kung binasted ba niya talaga si Joed, ito ang sagot ni Ricky:

“Totoo po iyon, binasted ko siya, kaya yung mga nagsasabi na natanggap ako ng indecent proposal, hindi ko po iyon ina-accept.”

Esplika pa ni Ricky, “Kasi noong nag-chat kami minsan, parang naramdaman ko, gusto ako ni Sir Joed…

“Pero noong time na iyon, may girlfriend ako. Hindi kasi talaga ako naasa sa ibang tao, honestly hindi ako naasa,” nakangiting saad niya.  

“Si Sir Joed napakayaman, di ba?” diin pa ng guwapitong newcomer.

Idinagdag pa ni Ricky na last March ay naging single na siya nang pumunta sa US ang kanyang GF.

Si Ricky ang itinanghal na Mister Global Philippines 2019. Laking squatter siya sa Cavite, inalagaan ng kanyang lolo’t lola na akala niya’y kanyang mga magulang.

Inabandona siya noon ng ina, eleven silang magkakapatid na iba-iba ang tatay (tatlo rito ang iisa ang ama) at pang-apat siya.

Ipinamigay at ipinaampon ‘yung iba, hindi raw niya nakilala ang kanyang ama, kahit ang nanay niya’y hindi na alam kung ano ang pangalan ng father niya.

Noong bata pa, nabuhay sila sa paglalaba ng kanyang lola. Naranasan din ni Ricky na mag-ulam ng asin. Hahalauan nila ito ng tubig para maging sabaw.

Nakapagtapos siya ng kursong BS Marine Transportation dahil sa pagiging scholar. Varsity player kasi siya ng volleyball sa PMMS Las Pinas at sumasayaw din siya ng ballroom.

Si Ricky ay 21 years old, may taas na 5’11. Pageant King, ramp and commercial model, nag-real estate din siya bago napasabak sa Anak ng Macho Dancer.

Tiniyak ni Ricky na marami siyang daring scenes sa pelikula at walang takot na nagkaroon ng frontal nudity dahil kailangan ito sa pelikula.

Pag-amin ni Ricky, “Maraming love scenes, bed scenes dito. First time kong gagawin ito, yung frontal talaga, na ipapakita ko ang lahat.”

Bakit kinaya niya ang maghubad nang todo at sumabak sa frontal nudity?

Lahad niya, “Sa tulong na rin ng manager ko na si Nanay Meg (Perez), sinabihan niya kasi ako, ‘Anak, hindi kayang mag-frontal ng isang artista, ikaw ba kaya mo?’ Sabi ko naman, ‘Nay, ano sa palagay mo na ikaka-success ko sa movie?’ Sabi niya sa akin, ‘Kung ako ang tatanungin mo, i-grab mo.’ Kaya sabi ko, ‘Okay sige, one hundred percent iga-grab ko iyan’.

“At wala akong pinagsisihan, sa totoo lang, wala akong pinagsisihan na kahit kaunti at nagustuhan ko. Kasi naisip ko na trabaho ito eh, at para sa akin, gusto ko na iyong ginagawa ko talaga na pag-aartista, sobra.”

Ang Anak ng Macho Dancer ay pinagbibidahan ni Sean de Guzman at mula sa pamamahala ng premyadong director na si Joel Lamangan.

Tampok din sa pelikula sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa. 

Ang pelikula ay mula sa The Godfather Productions ni Joed, katuwang ang Blackwater.

Planong gawin ang premiere night nito ngayong December sa UP Film Center para sa uncut version ng pelikula.

Leave a comment