May 23, 2025
Ricky Lee wants to challenge himself as a writer
Faces and Places Latest Articles

Ricky Lee wants to challenge himself as a writer

Jun 29, 2015

Multi-awarded screenwriter at mentor ng magagaling at award-winning directors na mayroon ang industriya na dati niyang mga estudyante. Ngunit kahit isang premyado na, sa tuwing sumusulat siya ng iskrip ay laging nasa mindset niya na gusto pa rin niyang palagian niyang sinusubukan ang kanyang sarili. Nakapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) si Ricky Lee at nakagugulat na sa kabila ng kanyang estado sa industriya ay nananatiling nakaapak ang kanyang mga paa sa lupa.

RickyLee_TimArafiles_Features-6

Marami nang napatunayan bilang isang creative genius si Ricky Lee pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagpupursige na patuloy na mas magpakahusay pa sa kanyang pinling larangan. Sa katunayan, sa pinakabago nitong proyekto ay kakaibang hamon sa pagsusulat ang kanyang kinakaharap.

Karamihan sa mga istorya natin ay mga temang ang kasamaan ay hindi nagwawagi, mga formula, mga kuwentong inspirational na may happy endings at nakatali sa premise na dapat laging positibo ang mensahe na minsan ay hindi realistic. Hindi mo ba gustong i-challenge ang sarili mo na sumulat ng mga screenplays kung saan iba naman ang tema ay kakaiba sa conventional? Halimbawa ay yung paggamit ng mga temang tulad halimbawa ng “crime does pay” or “honesty does not pay” o ang kasamaan ay nagtatagumpay rin in the end ang tatalakayin?

“Actually, nagawa ko na iyan sa “Hustisya,” kung saan iyong main protagonist ay nilamon rin ng bulok na sistema o corruption in the end. Partly natumbok rin siya sa temang tinatalakay namin dito sa “Sekyu,” paliwanag ni Ricky Lee sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

“Does it pay ba to be honest? Iyon ang isa sa mga gustong ipakita rito sa bagong screenplay ko. Mula sa kanya hanggang sa anak niyang tabatsoy,” paglalahad ni Ricky. “Pero, naka-pokus ito sa buhay ng isang security guard at iyong simplicity ng kanyang buhay, iyon din ang naging complexity ng kanyang character,” dagdag niyang paliwanag.

Ayon pa kay Ricky, hindi raw base o inspired ang pelikulang “Sekyu” sa naunang pelikulang may pamagat na “Jaguar” na pinagbidahan noon ni Phillip Salvador at idinirehe ni Lino Brocka na siya rin ang nag-iskrip.

“Sa Jaguar, umiinog iyong karakter sa external, kung saan iyong sikyu ay isang taong naghahanap ng acceptance sa isang lipunan where he does not belong. Dito sa “Sikyu” naka-focus iyong character sa internal. Sa buhay mismo na ginagalawan ng isang security guard at iyong mga pakikibaka niya sa buhay at sa kanyang pamilya at kung paano sinubok ang kanyang pagiging “honest” ng mga pagkakataon,” kuwento niya.

Representative ba ito ng buhay ng isang sikyu o sundot sa kalagayan ng mga security guards sa ating labor force sa ating lipunan na maituturing na “unsung heroes “ in their own right?

“Representative siya sa buhay ng isang ordinaryong Pilipino at hindi tungkol sa plight ng security guards sa bansa bilang blue worker. Iyong kasimplehan mismo ng buhay ng isang sikyu, iyon ang social statement ng pelikula,” sabi niya.

Hindi ka ba natatakot na batikusin dahil sa magiging repercussions ng mensahe ng pagkaka-iskrip mo ng pelikula considering na baka magbigay ito ng mensaheng taliwas sa good values on honesty and being virtuous?

“Social realism man o hindi, tungkulin ng isang writer na ipakita ang katotohanan. As a writer, dapat kasi itsina-challenge mo dapat ang sarili para mag-grow ka as a writer. In the end naman kasi, nagkabali-baligtad man ang kapalaran noong sikyu pero naroon pa rin iyong redeeming value ng character niya na minsan hindi naman sa kanya mismo nangyayari kung hindi sa mahal niya sa buhay, na in the final analysis ay nagsasabing “it still pays to be honest,” pagtatapos niya.

Ang “Sekyu”ay tumatalakay sa buhay ng isang sikyu at kung paanong ang kanyang pagiging “honest”ay susubukin ng mga pagkakataon.

Mula sa BG Films , ang bagong home of indie films, ang “Sekyu” ay nagtatampok kina Allen Dizon, Sunshine Dizon at Gladys Reyes sa direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan with Ms. Baby Go and Dennis Evangelista as producers.

Kasalukuyang tinatapos ni Ricky ang kanyang novelette, ang part 2 ng kanyang screenwriting manual at ang paglilimbag ng trilogy ng kanyang critically acclaimed scripts na “Moral,” “Brutal,” at “Karnal.” Ongoing rin ang ginagawa niyang scriptwriting workshop sa Star Cinema.

For the meantime, dahil sa kanyang kaabalahan, postponed muna ang kanyang directorial debut kung saan tampok ang Superstar na si Nora Aunor.

Leave a comment

Leave a Reply