
Rising star Christi Fider makes her mainstream acting debut in ‘Ayuda Babes’
Pagkatapos na pumatok ng kanyang debut single na “Teka Teka Teka” na naging national anthem ng Tiktok fans, nagbabalik ang talented singer na si Christi Fider hindi sa pag-awit kundi sa larangan ng pag-arte.
“Actually, bago pa man po dumating iyong break ko as a singer, first love ko talaga ang acting,” kwento niya.
“Gusto ko po kasi to be able to portray different roles and I’m very thankful na I was given the chance to act in a mainstream movie,” dugtong niya.
May acting background si Christi sa Adober Studios, isang YouTube multi-channel network na nagsho-showcase ng upcoming Pinoy talents para sa local at international digital audiences.
Masaya rin siya dahil sa unang pelikula niya ay si Direk Joven Tan ang kanyang director.
“Gamay na po kasi kami ni Direk. Siya iyong nag-compose ng debut single ko na nag-hit po sa mga Tiktokers and even sa Spotify po,” bulalas pa niya.
Aminado rin si Christi na nag-audition siya noong naghahanap ang Black Sheep at Globe Studios sa much-coveted role ni Jane sa MMFF movie na “Fan Girl” na eventually ay napunta kay Charlie Dizon.
“Medyo mahirap po iyong process kasi parang almost 700 po yata kaming nag-audition for the role,”pagbabalik-tanaw niya.
Nanalo si Charlie Dizon sa nasabing pelikula dahil sa de-kalibre at mapangahas nitong pagganap bilang obsessed na fan ni Paulo Avelino.
Kung bibigyan ng pagkakataon, willing din daw si Christi na magpaka-daring tulad ni Charlie.
“Noong nag-audition po ako, inihanda ko na ang sarili ko. Para sa akin, bahagi lang naman po iyon ng trabaho ko,” paliwanag niya.
Si Christi ay gumaganap na love interest ni Marlo Mortel sa “Ayuda Babes.”
Mula sa produksyon ng Saranggola Media Productions at sa direksyon ng award-winning composer at film director na si Joven Tan, kasama niya rito sina Gardo Verzosa, Iyah Mina, Ate Gay, Joey Paras, Juliana Parescova Segovia, Negi, Brenda Mage, Petite Brockovich, Berni Batin, Christi Fider, Zeus Collins at Bidaman Dan Delgado.

May espesyal na partisipasyon din sina Marlo Mortel at Marc Logan.
Ang “Ayuda Babes” ay isang masayang kuwento ng mga taong naapektuhan ang mga buhay sa panahon ng lockdown.
Mapapanood na ang napapanahong obrang ito sa iWant TFC at KTX simula sa Marso 5.