May 25, 2025
Rivalry between Ken Chan and Jake Vargas; Ken says, “our friendship is not affected”
Latest Articles

Rivalry between Ken Chan and Jake Vargas; Ken says, “our friendship is not affected”

Jan 13, 2015

oghie@ignacio

by Oghie Ignacio

KEN copy 1

Kung sa assessment ng career ni Ken Chan bago matapos ang 2014 ay kuntento naman ang guwapong male youngstar dahil maganda ang naging resulta ng kauna-unahan niyang self-titled album sa Polyeast Records kung saan na-hit nito ang gold record na tinatawag. Kaya natalbugan na raw ni Kenn si Jake Vargaz na itinatapat sa kanya ng kanilang fans at minsa’y nagkaroon sila ng sigalot na dalawa.

“Wala na po ‘yon sa akin,” bungad sa amin minsan ni Ken ng magkaroon kami ng tsansang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa magandang townhouse nila sa Miranela Subdivision, Quezon City.

“Hindi naman affected ang friendship namin ni Jake. At never naman kami nagkaroon ng problema,” depensa pa nito tungkol sa pagtatapat sa kanila ng kasamahan niya sa “Walang Tulugan With The Master Showman”.

“I’m so happy na maganda ‘yung result ng aking first album na “KEN” sa Polyeast. Burt it doesn’t mean naman ‘e, kailangang itapat ‘yon sa album ni Jake o gawan pa nila ng isyu. Kasi magkaiba naman kami ng mga kantang nasa album namin. Pareho lang naming ginagawa ‘yung kaya naming gawin at ipakita sa mga nag-a-admire sa amin di ba?,” katuwiran pa nito.

“Nakakatuwa po na bago matapos ang 2014, kahit papano may magandang nangyari sa akin as far as my career is concerned. I’m hopeful na magtuluy-tuloy ang magandang kapalaran ko ngayong 2015,” dagdag pahayag pa nitong si Kenn.

Nabanggit niyang nilapitan siya minsan ng mga taong responsable sa itinayong foundation ng yumaong young actor na si Rico Yan para kunin siyang spoke person o baka siyang ipalit sa matagal ng namayapang sikat na aktor. Tinanggap ba niya ‘yon at hindi inisip na baka magamit lang siya ng mga ito kung puwede namang siya mismo ang magbuo ng sarili niyang foundation lalo’t nasabi niyang mahilig siyang tumulong sa mga nakikita niyang street children? Preparasyon din ba ni Kenn ang magandang ginagawa niya para pasukin ang mundo ng politika habang siya’y bata pa na siyang trending ngayon sa ating bansa?

“May lumapit talaga sa akin na ano…mga tao sa Rico Yan Foundation. Pero hindi ko iniisip ang kahit ano…natutuwa ako na sa dami ng mga sikat ngayon ‘e, ako ang nilapitan nila para sa ano nga…magandang layunin naman. Kaya lang hindi ko pa po masagot. Kasi nga gaya ng sinabi n’yo may ibang nag-a-advise sa akin na bakit hindi na lang sarili kong foundation ang aking buuin,” tuluy-tuloy na pahayag pa nitong si Kenn sa amin.

“Tungkol naman sa pagpasok sa politics, Well…mahirap magsalita. But If I’ll be given the chance to penetrate the world of politics why not? There’s no harm in trying lalo na kung makakatulong ka. Ako pa naman po mahilig sa mga bata at ‘pag may nakikita akong street children hindi naman sa pagyayabang, kahit papano tinutulungan ko sila in my own little way,” sey pa nito.

“Pero ano…it’s up to fate pa rin kung talagang du’n ang magiging destiny ko someday once na hindi na’ko active sa showbiz baka puwede ngang pasukin ko ‘yon kahit alam kong mas magulo ang mundo na’yon. Mas importante sa akin ‘yung makatulong ako,” pagtatapos pa ni Ken na ngayo’y napapanood sa “MAYNILA” ng Kapuso.

 

Leave a comment

Leave a Reply