June 14, 2025
Robi Domingo clears Gretchen Ho’s rumored pregnancy
Latest Articles T.V.

Robi Domingo clears Gretchen Ho’s rumored pregnancy

Jun 1, 2015

roldan@castro
By Roldan Castro
gretchen-500x337

Nabanggit ni Robi Domingo na nakadepende kay Toni Gonzaga kung kailan magsisimula ang Pinoy Big Brother. Hangga’t maaari ay ayaw nilang palitan si Toni dahil kung kailan 10th anniversary ay saka naman ito mawawala.
Posibleng mag-adjust daw ang show para sa kanya. Nasa stage kasi si Toni ngayon kung saan super busy ito para sa preparasyon ng kanyang kasal at balitang magpapahinga muna daw ito sa showbiz matapos ito.

Ayaw rin ng management na magtaka ang mga televiewers kung bakit wala si Toni lalo’t ilang years na rin niyang ginagawa ang pagiging host ng PBB. Nasanay na sila kung paano mag-nominate at mag-evict ang singer-actress. Samantala, naaliw kami sa reaksyon ni Robi nung mapabalitang buntis ang girlfriend niyang si Gretchen Ho, aniya hindi naman ito totoo. Pati raw siya ay nagulat kung paano ‘nabuntis’ si Gretchen?
“Sabi ko sa kanya (Gretchen), ‘buntis ka raw?’ Maybe intervention ang mangyayari . Kasi talagang imposibleng mangyari ‘yun. Ako na ang magsasabi sa inyo, imposibleng mangyari ‘yun,” bulalas niya. Nandoon ‘yung respeto nila sa sanctity ng marriage at konserbatibo rin daw ang mga Chinese.
“Si Gretchen kasi sobrang Catholic niyan at saka Chinese. Ang alam ko ‘yung dad niya sobrang na-alarma, to the point na pag nagpupunta ako ng bahay nila, nararamdaman ko kasi kapag nagsi-shake hands kami, ang lakas ng hawak. Parang ipinaparamdam niya ‘yung ‘tandaan mo ha, ang anak ko, bawal pa iyan,” tumatawa niyang kuwento.
Minsan daw ay nagbiro siya kay Grethen na magpakasal sila pero ‘no’ ang sagot ng girlfriend dahil hindi pa raw sila handa.
“Tinanggihan ako. Basted ako agad,” tumatawa niya pahayag.
Dagdag pa ni Robi, hindi pa raw siya magpapakasal hangga’t hindi raw siya nakakatanggap ng 50 awards. 47 pa raw ang hihintayin niya dahil tatlo pa lang ang nakukuha niyang awards.

Baka tumandang dalaga na si Gretchen niyan?
“Nasa sa kanya na ‘yun, maghanap siya ng iba,” tumatawa niyang pagbibiro.
May rebelasyon din si Robi tungkol sa bading na nag-approach sa kanya sa showbiz paglabas niya sa PBB house. Bagamat mayaman naman ang pamilya niya, hindi siya nakaligtas sa para-paraan ng bading.
“May project daw na pag-uusapan pero 11PM? Sabi ko may school po ako, bawal po ma-late. Hayun,” sabi nito.

Di ba may kasunod ‘yun na tanong na naging leading man ka na ba at may kapalit yun?
“Hindi naman siya nagtanong sa akin ng ganoon,” paglilinaw ng TV host.

Sa success ngayon na tinatamasa ni Robi bilang TV host, naniniwala rin siya sa tiyaga. Dumating din siya noon sa point na gusto nang mag-exit na sa showbiz dahil walang ginagawa at proyekto. Naiinggit siya sa ibang produkto ng PBB na maraming ginagawa.
“Kailangan pala talaga magsimula ka sa ibaba at magtiyaga lang,” sambit niya.

Leave a comment

Leave a Reply