May 24, 2025
Faces and Places

Robi Domingo says work remains his priority; marriage can wait

Oct 1, 2015

Ruben Marasigan

by :Ruben Marasigan

Robi-Domingo-11 Nitong September 27 ang 26th birthday ni Robi Domingo. Kahit hindi nakapagplano for a party dahil sobrang busy sa trabaho, nagkaroon naman siya ng celebration sa ASAP.

“May celebration naman po with my family last Sunday,” aniya. “Nag-dinner kami pagkagaling ko ng ASAP.
Sa totoo po, itong nakaraang 26th birthday ko, hindi ko pa po siya naiisip nang sobra-sobra. Kasi focused po ako sa trabaho ngayon. Kung magkakaroon man ako ng late birthday celebration, ‘yong mini lang muna. Ang totoong celebration po siguro magaganap next year na lang.
“Kasi pinaghahandaan ko po ‘yung 27 na 27 (27th birthday on September 27). Iyon ang big celebration na pinaplano ko.”

Hindi kaya isabay na rin niya rito ang pagpu-propose ng kasal sa girlfriend niyang si Gretchen Ho?
“Hindi pa. Matagal pa ‘yon,” natawang sabi ni Robi sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

“Pareho kami na ang priority ay ang mga career namin. Lalo ako, gusto ko makapag-ipon muna nang husto kaya work muna.
Sa dinner with his family noong Sunday, hindi raw nakasama si Gretchen. May event daw kasi na kailangang i-cover ito.
“Pero last Monday, (September 28), parang may mabilis na dinner lang. And that was it. Kasi may mga trabaho pa rin po, e. Siya, busy rin sa work niya.”
Ano ang birthday gift ni Gretchen sa kanya?
Robi Domingo Impregnates Gretchen Ho“Nagbigay po siya ng sapatos na gustong-gusto ko matagal na. Ano po siya… casual shoes, kahapon lang po niya iibinigay.
May masasabi pa ba siyang birthday wish?
“Siguro… gift of strength and wit po. Para do’n sa susunod na show ko po na sobrang natutuwa ako.”
Ano ba ang bagong programa na tinutukoy niya?
“Ano po siya… isang reality show again. Pero hindi pa siya puwedeng sabihin sa ngayon.”
Maghu-host din siya for the said new show gaya ng ginagawa niya sa katatapos na ‘The Voice Kids’ at maging sa ongoing pa rin na ‘PBB 737 Update’?
“A… parang hindi lang host. Paano ko ba idi-describe?
“Uhm… ibang concept na show po siya kasi, e. Basta abangan n’yo na lang po dahil sobrang ganda talaga ng konsepto. Tapos may mga makakasama po ako na talagang close na close sa akin. Pero hindi ko pa rin po puwedeng i-reveal, e. May babae. May mga lalake rin po. Hanggang do’n lang po ang puwede ko munang masabi.”

At 26, ano ang mga bagong changes na kanyang inaasahang puwedeng mangyari sa sarili niya as a person o sa buhay niya?
“Siguro ngayon, mas gutom ako talaga. Mas gutom to work, super!”
My mga bagong plans ba siyang binubuo now that he’s 26?
“Siguro travel more kasabay no’ng doing documentaries na rin na gagawin sa ibang bansa. I wish to do a documentary program din kasi.”
With Gretchen kung sakali?
“Puwede rin. Puwede ring ‘yong mga OFWs natin.”

Leave a comment

Leave a Reply