May 23, 2025
Rocco Nacino can relate to bar aspirants in “Bar Boys”
Featured Latest Articles

Rocco Nacino can relate to bar aspirants in “Bar Boys”

Nov 29, 2016

Nakalabas na si Rocco Nacino bilang tusong abogado sa pelikulang “Hustisya” kung saan naging nominado pa siya ng acting award sa Famas noong nakaraang taon.

Ngayon, muli na naman siyang mapapanood sa isang pelikulang tumatalakay sa pag-aabogasya o sa buhay ng mga law students sa pelikulang “Bar Boys” ni Kip Oebanda.

My name is Toran Garcia, feeling leader siya ng group. Siya iyong senior of the group. Siya iyong si Mr. Know-It-All, mataas ang ego, ang pride. Siya iyong puntahan ng grupo kung may kailangang sagutin or the person to go to kapag may kailangan iyong grupo. His ego will be tested through out the film dahil makakahanap siya ng katapat sa mga lawyers, sa mga teachers”,aniya.  

 

Nakaka-relate rin si Rocco sa role niya dahil bukod sa pagiging actor, isa rin siyang licensed professional.

Ako siguro nakaka-relate ako sa mga nag-a-aspire na maging lawyer. I’m a registered nurse at pinagdaanan ko rin iyon. I reviewed for 5 to 6 months before the board exams at isang araw lang iyong exam, pero madugo na siya. What more sa law students na for 4 weeks o 1 month iyong kanilang exam, kaya ako I have a different respect for law students or for those who pursue their dreams of becoming a lawyer. Mas naa-appreciate ko iyong efforts na ibinibigay nila, lalo na ngayon na mas madali na ang gumawa ng mga assignments and yet ibang-ibang iyong drive nila”, pahayag niya.

 

Ayon pa kay Rocco, kahit malaki ang sampalataya niya sa mga abogado, hindi raw pumasok sa isip na mag-abogasya noong nasa kolehiyo siya.

Iba-iba naman tayo. May mga nagsasabi nga sa akin na puwede akong maging public servant. Puwede naman dahil puwede kong pag-aralan pero I could be a public servant by being a nurse. Kahit nasaan ka mang institution, mas importante pa rin iyong desire mo to serve. Puwede naman akong maging of change tulad ng iba na piniling maging lawyer dahil iyon ang calling nila”, sey niya.

 

Proud  naman si Rocco dahil kasama niya ang best friend niya na si Enzo Pineda sa pelikula, kahit pa sabihing nag-ober da bakod na ito sa rival network.

Okey ang naging bonding namin Enzo sa pelikula and I’ve got the chance to work with Carlo and Kean, so it’s a totally new experience for us”, aniya.

 

Dagdag pa ni Rocco, masaya siya dahil patuloy ang paghataw ng rating ng kanilang fantaseryeng “Encantadia” kung saan ginagampanan niya ang role ni Aquil.

Happy din si Rocco dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Encantadiks sa love team nila ni Sanya Lopez na lumalabas bilang Sang’gre Danaya.

After his breakup with Lovi Poe, pahinga raw muna ang lovelife niya.

It’s my choice. I enjoy being single and hanging out with my friends. So, work muna ang priority ko and I’m thankful dahil a lot of blessings are coming my way”.

 

Hindi naman ikinaila na naging cautious na siya when it comes to affairs of the heart.

Hindi naman maiiwasan na may pain pa rin pero I have no regrets dahil may mga lessons naman akong natutunan and more than anything else, I have reasons to celebrate dahil ang dami ng blessings”, pagwawakas niya.

bar-boys

Kabituin ni Rocco sa “Bar Boys” sina Kean Cipriano, Enzo Pineda at Carlo Aquino. Kasama sa supporting cast sina  Anna Luna, Odette Khan, Hazel Faith dela Cruz, Mailes Kanapi, Emmanuel dela Cruz, Sebastian Castro, Pontri Bernardo, Maey Bautista, Rener Concepcion, Irene Celebre, Vance Llarena, Lharby Policarpio at maraming iba pa.

Mula sa direksyon ni Kip Oebanda, ang “Bar Boys” ang isang feel good barkada movie tungkol sa law school na iprinudyus ng Tropic Frills Productions sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of San Miguel Makati at SM Lifestyle Entertainment, Inc.

Exclusive itong mapapanood sa lahat ng SM Cinemas sa buong bansa.

Leave a comment