May 23, 2025
Rocco shares his good vibes; shows a radiant glow whenever girl friend Lovi is the topic
Latest Articles

Rocco shares his good vibes; shows a radiant glow whenever girl friend Lovi is the topic

Jan 15, 2015

Ruben Marasigan

by Ruben Marasigan

lovi roccoTila may hang-over pa ng nagdaang saya ng holiday season si Rocco Nacino. Kung sabagay, nagkaroon sila ng sapat na quality time together ng girlfriend niyang si Lovi Poe hindi lang no’ng panahon ng kapaskuhan kundi hanggang nung mag-new year din.

“New year was fun,” aniya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa Sunday All Stars.

“Tiring dahil nag-countdown kami para sa GMA. Pero masaya ako dahil noong December 31 ay kasama ko ang family ko.

“Nag-lunch kami. Tapos diretso na ako sa New Year’s countdown.

“And… masaya ako dahil kasama ko si Lovi. After no’ng countdown, dumaan kami sa bahay niya dahil nando’n ‘yong family niya.

“May kainan do’n. Tapos lumabas kami.

“Nag-celebrate kami sa labas kasama ang mga kaibigan namin.”

Kapag si Lovi ang topic, may kakaibang glow sa mata ni Rocco. Nagra-radiate talaga ‘yong happiness at kilig na parang naita-transmit niya sa kausap niya.

“At least… nakikita ‘yon. Ha-ha-ha!

“Yeah! Alam n’yo naman na masaya nga ako sa ngayon.

“And that’s how I started my year. Na… inspired.”

Smooth sailing ang takbo ng relationship nila ni Lovi. Hindi sila nagkakaroon ng problema at wala ring nang-iintriga o nagtatangkang paghiwalayin sila.

“Yeah!

“Ano… good vibes lang. Good vibes.”

2014 has been a very good year for Rocco. Kaya naman noong Christmas ay talagang pinagsikapan niyang mag-share ng blessings sa mga batang may cancer sa National Children’s Hospital.

Hindi lang mga laruan ang ipinamigay niya kundi may cash gift din sa bawat batang pasyente rito.

Leave a comment

Leave a Reply