
Rochelle Pangilinan thinks and discusses marrying but confirms of having no plans as of the moment
by Boy Romero
Kahit usung-uso ngayon ang pagpapakasal among celebrity couples, walang balak sumunod ang magka-relasyong Rochelle Pangilinan at Arthur Sulinap. Ito ang inikutan ng masayang kwentuahan ng Philippine Showbiz Repubic (PSR) kay Rochelle.
“Kung darating,e, di darating,” sabi ni Rochelle when asked sa pagpapakasal issue. Pero aminado ang magaling na dancer na napapag-usapan na nila ‘yun pero wala pa silang plano.
“Tinatanong niya (Arthur) ako kung beach o garden wedding ang gusto ko. Gusto ko sa Tagaytay ako ikakasal kasi maraming istorya ang nangyari sa amin ni Art at sa buhay ko sa Tagaytay. Marami akong pinagdaanan sa lugar na ‘yan.
“Hindi kailangang maging bongga-bongga ang kasal ko. Ang importante, e, andu’n lahat ang mga taong nakakakilala sa amin ni Art, lalo na nu’ng naging kami,” sabi pa niya.
Natatawang kuwento rin niya na tinanong din daw siya ng boyfriend kung gusto niyang sumayaw sa kanilang kasal. Ayaw ni Pangilinan dahil daw sa buong buhay niya, e, sumasayaw na siya, tapos pati sa kasal niya ay sasayaw pa rin siya. Pero kung ang mga magulang ni Rochelle ang masusunod, gusto nga mga ito na magpakasal na siya.
“Pinu-push na nga nila ako. Pinupuwersa na nila ako. ‘Yung pinsan ko ngang buntis, ‘pag nakikita , sasabihin nila, na ‘buntis ka na naman.’ pero sa akin, push naman sila,” naiinis-napapailing na pahayag niya.
After ng ‘Ang Lihim Ni Annasandra’ ay wala pang bagong project ang dalaga. Napapanood lang ito sa ‘Sunday All Stars’. Nahihiya naman daw siyang magtanong sa kanyang manager.
Nakatulong naman ‘yung pamamahinga nya para maalagaan ang nobyo. three weeks ago, naaksidente sa tuhod si Sulinap sa iang basketball game sa Cavite. Hirap sa paglalakad at sobrang sakit ang nararamdaman ng nobyo. Siya ngayon ang nag-a-alaga at nagbubuhat sa hita ng binata.
May nakakatawag kuwento uli ito na nu’ng nasa ospital ang boyfriend, panay ang dala niya ng mga bulaklak. Nakasama pala ang mga dinadalang bulaklak sa pasyente dahil may allergy ito. Bahing ng bahing daw si Art.
Sabi pa ni Rochelle, mabuti na lang natapos ang show na kasama si Art nang mangyari ang aksidente.