
Ron Angeles, Bryan Dy discuss MMFF entry ‘Uninvited’
Ipinagmamalaki ng actor na si Ron Angeles at movie producer na si Bryan Dy ang kanilang MMFF50 entry na Uninvited.
Tampok sa Uninvited ang powerhouse ensemble cast nina Aga Muhlach, Nadine Lustre, at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.
Isang drama-thriller movie ang Uninvited at kakaibang Vilma at Aga ang mapapanood dito ng moviegoers. Hindi rin nagpahuli si Nadine sa husay ng performance niya rito.
Ito ay sa direksiyon ni Dan Villegas at mula sa Mentorque Productions ni Bryan Dy, sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures at Project 8 Projects.
Proud ang producer nitong si Bryan sa kanilang entry para sa annual December filmfest.
Aniya “Si Ate Vi, just to be honest, wala na siyang kailangang patunayan. I know there were always be pressure. But at the end of the day, I think whatever it is, hindi ba, Vilma Santos will always be Vilma Santos.
“And kami nga, sabi ko nga, lahat kami pumunta rito, alam namin na it’s a competition. Nakita nyo naman po, walang tapon lahat. Nakita niyo si Aga. Nakita niyo si Nadine. Nakita nyo po lahat ng cast. Talagang ganoon po kagaling si Dan Villegas. Lalo na kapag naka-tamdem niya si Antoinette (Jadaone) at naka-tandem pa si Irene (Villamor).”
Pahabol na wika pa ni Bryan, “Kung makikita niyo naman po iyong range na talagang ipinakita niyang (Vilma) acting dito, talaga naman pong mula po sa pent-up to outburst.
“So ako, I’m just happy of the reactions of the people now na nakapanood na. It is really heartwarming. Nakakataba po ng puso,” masayang sambit pa niya.
Itinuturing naman ni Ron na biggest break niya ang pelikulang ito.

Wika niya, “As of the moment po, puwede ko po siyang sabihin na biggest break ko ito sa film. Hoping po ako na sana next year ay magkaroon pa tayo ng mas malalaki at mas magagandang mga proyekto.”
Nagpasalamat din siya sa kanyang manager na si Bryan Dy.
Aniya, “Lagi ko nga pong sinasabi na may kasama talagang suwerte sa ginagawa ko po.
“Kaya nagpapasalamat po ako sa Mentorque at sa manager kong si Sir Bryan [para] sa opportunity na ibinibigay niya po sa akin. Sa rami ng mga nag-aartista, sa rami ng mga baguhan, sa rami ng mga beterano, hindi po lahat magkakakaroon ng ganoong kalaking oportunidad.”
Tiniyak din niyang sulit ang ibabayad ng lahat ng moviegoers sa kanilang pelikula.
“This film is worth it po ng inyong ibabayad. Lalabas kayo ng sinehan na masaya at sulit ang ibinayad ninyo,” masayang pahayag pa ng guwapitong si Ron.
Ang Uninvited ay sinusuportahan ng magagaling na mga artistang gaya nina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron, at Tirso Cruz III.