May 24, 2025
Ronnie Liang’s new movie pegs Korean hit ‘CLOY’
Latest Articles

Ronnie Liang’s new movie pegs Korean hit ‘CLOY’

Mar 10, 2020

Pagkatapos mapansin sa pelikulang “Esoterika Manila” na pinuri ng mga kritiko, balik sa pagbibida ang singer-actor na si Ronnie Liang.

Sa storycon ng pelikulang “Harang,” inilahad niya na ang sobra niyang excitement sa proyektong ito ng Palanca award winning writer at director Njel de Mesa.

Aniya, masaya rin siya, dahil sa pelikulang ito maipapakita niya ang galing niya hindi lang sa larangan ng musika kundi pati sa pag-arte.

“This is my second lead role sa pelikulang ito. Happy din ako kasi iyong role ko is very personal and close to my heart,” aniya.

Ipinaliwanag din niya kung bakit “Harang” ang titulo ng pelikula. 

Paglilinaw pa niya, hindi raw tungkol sa ‘censorship’ ang pelikula. Hindi rin daw ito sa tungkol sa pagiging killjoy o pumapaksa sa basagan ng trip. 

“Actually, kakaiba siya. Hindi kayo mabibitin sa pelikula,” pagtitiyak niya.

“Ito iyong mga performers sa mga kasal, mahilig mag-gig. Iyon ang tawag sa kanila. In a very creative way, sobrang bilib ako kay Direk Njel de Mesa for coming up with the title. The movie is about musicians at kung ano iyong current issues natin ngayon. Marami rin siyang interesting twists kasi may romcom element dahil may secret wedding  sa  plot,” dugtong niya.

Pagkatapos, magpa-sexy sa kanyang launching movie na  Esoterika Manila ni  Elwood Perez, gusto rin niyang isiping mapangahas din siya sa pagtanggap ng kanyang role sa “Harang.”

“May pagka-sexy iyong aming pag-arte, iyong aming atake. Ang mga kasamahan ko lalo na si  Princess. It’s a different role kasi this is my first time na gumanap na isang military person. Nag-undergo ako ng training and was promoted as second lieutenant at hinalo namin siya sa  kuwento ng pelikula,” kuwento niya.

“Kung pamilyar sila sa Crash Landing on You, medyo may pagka-ganoon siya at lalo na ngayon na umu-oppa tayo. 

“Actually, ang  kagandahan kay Direk, he goes with the flow, with the trend, kung ano ang gusto ng public,” dugtong niya.

Bukod sa pagiging magaling na singer  at actor, isa ring pilot at reservist si  Ronnie.

Bagamat kaya niyang pagsabayin ang dalawang magkaibang mundo,  nanatili raw namang priority niya  ngayon ang pagkanta at pag-arte.

“Ngayon ang trabaho ko muna, kung saan tayo nagre-revenue. Sa pagkanta , sa pag-arte, sa pagho-hosting.  

Nagpapasalamat  din ako sa Viva sa patuloy na pagbibigay sa akin ng project, sa pagtitiwala nila sa akin. Right now, iyong plans ko. I’ll be releasing more albums, more songs and I’ll do more concerts. At the same  time, pinu-pursue ko pa rin ang pagpipiloto. 

“It’s my childhood dream, kasi ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na matupad iyong ganoon. Siyempre, pag natapos na siya at papalarin akong makapasok sa airline o maging captain ako, magiging part time na na lang siya pero kakanta pa rin ako, magre-record pa rin ako. 

“Iba kasi ang fulfillment kapag nakapagbibigay ka ng ngiti  sa  audience mo as a performer, as an entertainer. Kapag nandoon na ako, puwede ko pa rin namang i-promote ang mga shows ko roon o kantahan sila roon. So far naman, sa ngayon,  hindi naman siya nagco-conflict sa akin dahil kayang pagsabayin. 

“Actually, gusto ko pa ring mag-serve sa army at ang kagandahan naman  noon, kapag may schedule ako, naiintindihan nila dahil reservist naman ako at wala sa active duty,” pagtatapos niya.

Kasama ni Ronnie sa cast ng Harang sina Princess Velasco (his leading lady), Thor Dulay, Merjohn Lagaya at Jopper Ril na magsisimula  nang  mag-shoot ngayong  Marso.

Leave a comment